[Orion Hale De Castro] Kakababa ko lang ng tricycle pero naramdaman ko na kaagad ang matinding kilabot nang makita ko ang dalawang palapag na bahay sa harap ko. Narinig ko ang tunog ng pag-alis ng tricycle driver na para bang nagmamadali. Mukhang takot na takot siya na manatili pa rito. Tiningala ko ang makalumang bahay na nasa harap ko. Kahit tingnan ko pa lang ay mukhang nakakatakot na. Ang itsura ng bahay ay parang noong sa panahon pa ng mga hapon, parang hindi nalilinisan. Pero ang sabi naman no'ng driver ay may nakatira dito. Lumapit ako sa kinakalawang na gate na kasingtangkad ko lang. Inilibot ko ang paningin ko sa malawak na bakuran. Wala akong nakita na kahit ano maliban sa mga lantang halaman na nakalagay sa tipak na paso sa gilid. Mukhang napabayaan na 'tong bahay. Nasaan

