[Orion Hale De Castro] Kanina pa nagri-ring ang cellphone ko pero hindi na ako nag-abalang kunin iyon mula sa suot kong shoulder bag. Alam kong si Hunter ang tumatawag pero ayokong malaman niya na pumunta ako rito sa bayan ng Gazon, ang lugar na pinagmulan ni Ara Agosto at Francisco Acosta. Katulad ng Primavera, may mga katamtamang building na nakatayo sa sentro ng Gazon. Maraming tao, sasakyan at mga establishments ang nakita ko pagbaba ko pa lang ng tricycle. "Miss Ganda, mukha namang hindi kayo taga-rito, sino po bang gusto n'yong puntahan?" tanong ng poging tricycle driver. Hindi pa pala siya umaalis sa harap ko. Mukhang kaedad ko lang siya. "Uhm..." Inipit ko ang buhok ko sa likod ng tenga ko, sobrang lakas kasi ng hangin at humaharang ito sa mukha ko. "May aalamin lang sana ako

