[Orion Hale De Castro] Hindi ko alam kung bakit nakita ko ang nakaraan ni Tita Mirriam at Tito Sander, at hindi ko rin alam kung ano ang koneksyon sa akin ng music box na 'yon. Ni hindi ko nga alam kung saan ko nailagay 'yon, eh. Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Tita Mirriam ay nagdesisyon akong pumunta ng Gazon, pero bago 'yon ay umuwi muna ako sa apartment namin ni Farrah para hanapin ang music box. Hinalungkat ko na lahat ng gamit ko sa kwarto namin pero wala akong nakita. Hindi tuloy maalis-alis sa isip ko kung anong meron sa music box na 'yon. "Orion?" Napatingin ako sa pinto at nakita ko si Farrah na nakasuot lang ng pambahay. "F-Farrah, hindi ka pumasok?" tanong ko sa kaniya. Matagal niya akong tinitigan bago ngumiti. "Hindi ako pumasok. Medyo hindi kasi maganda pakiramda

