[Hunter James Acosta] Hindi pa man ako nakakabawi nang biglang dumilim ulit ang paningin ko. Pagdilat ko ay naroon pa rin ako sa isang senaryo na nakita ko kanina. Ang pinagkaiba lang ay naka-focus na ito sa babaeng nakasuot ng pangkasal, hanggang ngayon ay malabo pa rin sa paningin ko. "H-Hindi mo maaaring gawin sa akin 'to, Francisco," naluluhang sambit ng babae. "Magkakaanak tayo! Hindi pwedeng hindi tayo ikasal! Bakit mo ako inalok kung hindi mo rin naman ako paninindigan?!" Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kanilang dalawa. Habang ginagawa ko 'yon ay hindi ko maalis ang paningin ko sa lalakeng tinawag na Francisco. Oo, tandang-tanda ko na Francisco rin ang pangalan ng lolo ko sa tuhod. Kung gano'n ay kamukhang-kamukha ko nga siya. Ngayon ko lang 'yon nalaman dahil wala akong n

