[Orion Hale De Castro] Pagkaalis na pagkaalis pa lang ni Farrah ay pumasok na kaagad ako sa kwarto niya. Sa tingin ko ay hindi man lang niya naisip na papasukin ko ang kwarto niya para hanapin ang music box kaya hindi man lang siya nag-abalang i-lock iyon. Dahil madali akong nakapasok ay hindi ako nahirapang halungkatin ang mga gamit ni Farrah mula sa closet, sa side table at maging sa ilalim ng kama niya. Nalibot ko na lahat ng parte ng kwarto niya pero wala akong nakita na music box. Napabuntong-hininga na lang ako at umupo sa sahig sa kawalan ng pag-asa. "Saan niya kaya nilagay 'yon?" tanong ko sa sarili ko. "Orion?" Kaagad akong napalingon sa may pintuan nang makita ko si Hunter habang hawak ang seradura ng pinto. Tumayo kaagad ako at inayos ang sariling buhok, kinakabahan na ba

