CHAPTER 64 “HUWAG mo muna akong lapitan, please lang. Gusto ko magpahinga!” Singhal ko kay Kaijin nang makitang naglalakad ito patungo sa ‘kin. Nakaupo ako ngayon sa puting buhangin dito sa tabing dagat habang pinanonood ang paglubog ng araw. Napakaganda. Natatawang naupo sa tabi ko si Kaijin at nagbibirong tinusok-tusok pa ang tagiliran ko. Nakasimangot na umilag at umatras ako ng upo mula sa kaniya. “Sungit mo naman, tatabi lang eh.” “Siguraduhin mo lang!” Singhal ko dahil kahapon pa lang ay nakarami na siya. Mula sa cave hanggang sa makarating pa kami ng villa. “Akala ko bakasyon ang gagawin natin dito, bakit tayo nagpapagod!” Humalakhak siya dahil sa narinig. Parang panaginip pa rin sa ‘kin ang lahat ng nangyari kahapon—pero ‘yung aminan ng nararamdaman ang tinutukoy ko ha, hind

