CHAPTER 31 SECOND DAY NA namin ni Kai sa hotel ngayong araw at gaya ng sinabi nito ay may papasyalan pa ulit kami mamaya pero biglang bumuhos ang ulan kaya naman tinamad na ako sa lakad namin, sobrang lamig din kasi. Isa pa, hindi naman palaging nakakapag-relax ako sa mga ganitong lugar, ano. Kaya kahit dito nga lang kami sa loob ng hotel suite ay ayos na sa ‘kin, pakiramdam ko ay mare-relax na ako. Si Kai lang ‘tong parang hindi mapakali at bored na bored dito sa hotel, palibhasa ay ganito rin ang hitsura ng bachelor’s pad niya, ganito rin kaganda at kakomportable. E, sa bahay namin, walang aircon doon kaya hindi ganito kalamig, wala ring malaki at malambot na kama, wala ring magandang view kapag sumilip ka sa malaking bintana. Baka masilip mo lang ‘yong mga kapitbahay na nagkukumpulan

