CHAPTER 32 MATAPOS ng araw na ‘yon ay halos hindi na natigil si Mama sa kakatawag sa ‘min at pinauuwi ako ng bahay dahil sa pag-aalala. Ina-assure naman siya ni Kai na safe ako rito at hindi ako papabayaan kahit na anong mangyari pero worried pa rin si Mama kaya naman kinabukasan imbis na may mga pupuntahan pa sana ay heto at bumabyahe na kami pauwi sa Maynila. Okay lang naman, naiintindihan ko naman ang mga magulang ko. Magulang sila at hindi ko sila masisisi lalo na’t pangalawang beses nang nangyari ang ganitong eksena. Mag-iisang oras na rin yata kaming bumabyahe pero hindi pa rin maalis sa ‘kin ang pag-iisip kung sa’n ko nga ba nakita ang logo na iyon? Bahagya lang akong nagulat nang marinig na tumikhim si Kaijin, nag-aangat ng kilay na nilingon ko ito at nakitang pokus pa rin ang

