CHAPTER 33 SA MGA sumunod na araw ay nanatili lang ako sa loob ng bahay gaya ng sinabi nila Tatay at Mama. Nagpunta lang ako sa maliit na kumpanya ng Secret Help Hotline org para makausap si Madame A at mag-resign, naintindihan niya naman ang dahilan pero nagsinungaling lang ako sa rason ko at si Ashley lang ang nakakaalam ng totoo, na may bago na kasi akong trabaho at kay Kaijin Valencia iyon. Iyon ngang pag-commute ko kanina ay nakaka-ilang. Naging attentive ako sa paligid ko at doon ko lang lalong napansin na may mga nakasunod nga sa ‘kin na tauhan ni Kai. Okay lang naman sa ‘kin, ‘yon nga lang ay minsan hindi ko malaman kung pa’no malalaman kung tauhan pa ba niya ‘yong nakasunod sa ‘kin o isa na ro’n sa mga misteryosong lalaki na sinusundan din ako sa hindi pa rin namin malaman na

