CHAPTER 34 MAGPAPATAY-MALISYA na lang sana ako na narito rin siya at akmang lalagpasan ito para dumiretso sa ibang parte ng kwarto para ituloy ang paglilinis nang hatakin niya pabalik ang braso ko sa kinatatayuan ko kanina. Gulat at naguguluhang nag-angat ako ng tingin sa kaniya. “You looked mad, should we talk about the reason why?” Itinulak ko siya sa dibdib gamit ang kaliwang kamay ko nang makitang sobrang lapit na naman ng distansya niya sa ‘kin, isa pa ay naiilang pa rin ako kapag alam kong na sa ‘kin ang atensyon at tingin niya. “Hindi nga ako galit o kahit nagseselos, okay ka lang ba bakit ko naman ‘yon mararamdaman? Dahil lang sa harutan kayo nang harutan kanina pa?” Naiiling na nginiwian ko siya. “Wala naman sa ‘kin ‘yon ‘no! Ano naman ang pakialam ko sa inyong dalawa kahit m

