Pagkatapos no’n ay nagbihis kami ng damit, pinahiram niya ako ng komportableng shirt niya at boxer shorts saka kami pumwesto sa salas. Naupo ako sa carpeted floor habang narito siya sa couch nakaupo. Kinakain namin ang mga pagkain at ininom ang alak na mayroon. “Alam mo kahit sinabi ko sa ‘yo ang problema ko, ‘di ibig sabihin na tatanggap ako ng tulong sa ‘yo ha!” Dinuro ko siya at sinalinan ang baso na hawak-hawak niya. Nakita ko siyang natatawang inirapan ako bago kumuha ng chicken lollipop sa mga plato sa center table rito sa salas. “You’re not drunk yet." “Hindi pa ‘ko lasing sinasabi ko sa ‘yo.” Mayabang na paalala ko sa kaniya, akala nito mahina ako sa alak? Hindi ako ganoon. “Yup, ‘di ka pa lasing.” Natatawang sagot niya saka inagaw ang bote ng alak na hindi ko na maibuhos nan

