CHAPTER 55 NAKAGAT ko ang aking ibabang labi nang maramdaman ang paglalandas ng bawat luha mula sa ‘king mga mata. Hinaplos ko ang litrato ng mga magulang ko at hindi na nagpigil pa ng paghikbi, pakiramdam ko sobrang lungkot ng puso ko ngayong nalaman kong ilang taon na pala akong nawalay sa kanila. Hindi ko maintindihan kung pa’no nagawa sa ‘kin ‘to ng itinuring kong pamilya, walang bahid ng awa at konsensya. “Magkikita rin tayo... sana ay nasa maayos kayong kalagayan pareho.” Bulong ko sa hangin habang pinagmamasdan ang litrato ng totoo kong nanay at tatay. Umaasang dadalhin ng hangin ang bulong na iyon sa kanila mismo. Mula sa tahimik na kapaligiran ay halos mapatalon ako sa gulat nang makarinig ng malakas na pagkabasag ng kung ano kaya naman agad na lumingon ako sa ‘king likuran.

