CHAPTER 54 HINDI ko na nagawang makasagot pa sa sinabi ni Neil nang humarap na sa ‘ming banda ‘yong sinasabi niyang si Miss Tina at nakangiting sinalubong ako. Tumabi si Neil sa corner at nanatiling nakatayo. “Eicine Montes?” Masaya ang ngiti noong Miss Tina na salubong sa ‘kin. Nag-aalinlangang tumango ako, iginiya niya akong maupo sa magarang couch sa paligid at natatarantang nagtawag ng isa sa mga kasambahay na nakaantabay sa corner para magdala ng makakain at maiinom. “Sa totoo lang, hindi pa ito ang araw na inaasahan kong magkikita tayo. Base sa usapan ni Mr. Guerrero noon pa lang at ng pamilyang nag-alaga sa ‘yo ay sa susunod na buwan pa dapat. Napaaga yata?” Natatawang aniya habang nauupo sa ‘king tabi. Mabilis siyang magsalita at hindi nagtatanggal ng ngisi sa mga labi. Hindi

