CHAPTER 53

2454 Words

CHAPTER 53 “FRIEND, tumahan ka na riyan...” nakanguso at malungkot na rin ang mga mata na saad ni Ashley. “Pati ako maiiyak na rin sa ‘yo eh.” “Gusto kong tumahan, Ash, pero hindi naman gusto ng mga mata ko. Mukha na ‘kong tanga sa mga nakakasalubong natin...” mas lalo akong naiyak pagkasabi niyon kaya tumigil muna kami sa paglalakad at hinawakan nito ang likuran ko para hagurin ‘yon. “Hay! Pati ako hindi malaman ang sasabihin sa ‘yo, hindi ko naman pwedeng sabihin na huwag kang malungkot kasi nakakalungkot naman talaga ang mga nalaman mo ngayon! Ayan naiiyak na rin ako, mag-iyakan na lang tayo rito!” Ngawa niya kaya natatawang humikbi ako at para kaming sira dalawa na nagyakapan. Bitbit ko ang bag na may lamang mga damit ko at kanina pa hawak-hawak ang address na ibinigay nila Mama –

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD