CHAPTER 52 “NABABALIW ka na ba? Tigilan mo nga ako! Huwag mo rin akong hawakan, ano ba!” Maarteng singhal ni Honey sa ‘kin kaya lalo kong hinigpitan ang hawak sa braso niya. “Sagutin mo na lang ang tanong ko, tutal close naman kayo ni Kaijin, patunayan mo sa ‘kin. Kung close talaga kayo dapat alam mo ang sagot sa mga itinatanong ko sa ‘yo.” Pag-uwi namin sa Maynila dumiretso agad ako para kitain si Honey. Mamamatay ako kakaisip ng mga bagay-bagay hangga’t wala akong nakakalap na sagot! “Huwag mo ‘kong utuin, Eicine, ayokong sagutin ang itinatanong mo dahil ayaw ko sa ‘yo. Hindi pa ba halata?” Irap niya sa ‘kin saka maarteng binawi ang braso niya at ininom ang baso na may lamang orange juice. Nagkita kami sa isang restaurant kung saan ko sinabi sa text message na magkita kami. Ginamit

