CHAPTER 51 ILANG ARAW kami sa Sagada at nagpunta sa iba’t-ibang tourist spots doon pero kahit anong gawin kong pagpopokus sa pagbabakasyon gaya ng gusto ni Tita Za ay hindi ko na nagawa pa. Binalot ako na ako ng matinding kaba bawat araw at bawat oras. At dahil iyon sa piraso ng papel na nakita ko noong Christmas na nagtungo kami sa Marlboro Hills. Lalo kong naisip na hindi na iyon biro pa, hindi na iyon wala lang gaya ng ipinipilit ni Kaijin dahil ako mismo ang nakabasa na gusto siyang patayin nito kapag nagkaroon lang ng tyansa para gawin iyon. Matagal kong inisip kung naroon na ba ang papel na iyon bago pa kami umalis ng Maynila pero kahit ilang minuto ko pang alalahanin ay hindi ko talaga iyon napansin doon. Noon lang na nasa Marlboro Hills na kami. Isa pa, mahuhulog iyon sa byahe k

