CHAPTER 50 KINAUMAGAHAN ay naghanda na kami sa pag-alis. Tinamad mag-drive ng sasakyan ang kambal kaya naman malaking van ang dinala ni Tito Kael at siya na rin ang nagmaneho habang nasa harapan naman si Tita Zarina na katabi nito. Naupo ako sa sumunod na row ng upuan habang nasa likuran naman ang kambal. Kasama rin ang dalawa sa kasambahay nila saka iyong isang boy sa mansyon na nakapwesto sa dulong row ng upuan nitong van. Sila lang ang nagpapaingay sa loob ng van magmula pa kanina dahil sa masayang kwentuhan nila na kasali sila Tito Kael at Tita Za. Ako naman ay kanina pa yakap ang dalang unan habang nananahimik. Kanina pa! Magmula pa noong lumabas ako ng silid ko at sumalo sa breakfast kasama sila Tita Za! Nahihiya kasi ako pero sa ngayon ay wala pa namang sinasabi sila Tito Kael a

