CHAPTER 26 HALOS pigil ang impit na mga tili ko nang tumumba ang maraming mga tauhan ni Gretta Naire sa buong palapag, mga nagbabantay sa mismong pinto ng silid na pakay namin dahil naroon nakatago ang singsing na gustong makuha ni Kai. Binaril niya ang lahat ng ‘yon gamit ang mga silencer gun na hawak niya sa mabilis na mabilis na kilos. Halos anim ‘yon ngunit hindi man lang nakapwesto hawak ang kanilang baril nang makauna na sa pagkalabit ng gatilyo si Kai, nakahandusay na sila ngayon at walang malay sa kahabaan ng hallway ng palapag. Hindi ko na kinakaya ang bangungot na ‘to, ito na yata ang pinakamahabang gabi na nangyari sa buhay ko! “Open this while I do my thing here.” Utos ni Kai saka naghagis sa ‘kin ng kung ano! Natatarantang sinalo ko naman iyon at nakitang isa ‘yong compac

