CHAPTER 27 NANAHIMIK na lang tuloy ako at isinara na ang compact face powder. Bwisit talaga na Kaijin ‘to, gusto ko na siyang sakalin nang walang bitaw-bitaw! Umiling ito at problemadong nameywang habang nakatitig sa security lock. “Hindi ko mabasa nang maayos sa hacking system ng relo ko ang huling passcode ng lock.” Aniya saka nilingon ako at tumitig ng ilang segundo. “A-Ano na naman ba?!” Sita ko. “Hulaan mo na.” Tango niya. Nanlalaki ang mga mata na nag-urong ako ng leeg. “Huh? Hindi ba sinabi mong bawal ang maling hula riyan sa passcode dahil mag-iingay ang alarm sa buong mansyon?!” “Hulaan mo na, Eicine.” “Pero sinabi mo rin na bawal hulaan ang passcode kasi magla-lock ang lahat ng pinto ng mansyon! Saan tayo daan palabas kapag tatakas na?!” “Eicine.” Tawag niya na naman sa

