CHAPTER 28 IBINABA ko na ang tawag nang magpaalam na si Mama sa halos isang oras naming usapan sa telepono. Nagkuwento lang siya ng frustration niya sa mga nangyari raw kanina sa loob ng bahay namin dahil kay Tatay na marami raw kinita pero iginastos naman sa mga walang kwentang bagay, hindi niya alam na mas frustrated ako sa mga nangyari rin sa ‘kin kani-kanina lang! Narito na kami ngayon sa loob ng malaking VIP hotel suite na kinuha ni Kai bilang tutuluyan namin, hindi ko alam kung seryoso siyang dito muna kami ng tatlong araw pero mukhang totoo nga... at ang rason ay para pumasyal at makapunta kami sa magagandang tanawin dito sa Nueva Ecija pati sa mga kalapit na lugar. ‘Yon na nga lang ang iniisip ko sa tuwing maaalala ko ang mga nangyari kanina sa mansyon ni Gretta Naire pero pakir

