CHAPTER 37 THIRD PERSON’S POV KINABUKASAN, tumayo nang tuwid mula sa pagkakasandal sa sariling kotse si Kendrick nang makita ang tumitigil na sasakyan ng kakambal niyang si Kaijin sa garahe ng magarang mansyon ng kanilang mga magulang. May kaniya-kaniyang tinitirahan na silang bahay at penthouse ngunit kinailangan nilang magtungo sa mansyon ng mga magulang ngayon nang tumawag sa kanila ang kanilang ina na gusto silang patulungin sa preparasyon para sa nalalapit nitong silver anniversary. Hindi naman sila makakatanggi kapag ang mismong mommy na nila ang nagsabi. Pero kahit kanina pa nakarating si Kendrick ay sinadya niyang hintayin si Kaijin sa harap ng mansyon at sinadyang huwag munang pumasok sa loob para makausap ito nang masinsinan. “Let’s talk.” Seryoso niyang bungad sa kakambal n

