CHAPTER 38 KINABUKASAN, magtatanghali pa lang nang tumayo na ako sa harap ng isang malaking kainan sa bandang terminal ng mga tricycle, inilabas ko rin ang phone ko para mag-iwan ng text message kay Kendrick na hindi pala ako makakasama sa aya niyang kakain at magkakape kami sa labas ngayong araw. To: Kendrick Hi, Ken! Sorry hindi ako makakasama sa ‘yo ngayong araw, may lakad pala ako... bawi ako next time promise! Ito kasing si Kaijin bigla na lang nag-aya na aalis siya ngayon at isasama niya raw ako. Napalabi ako at malungkot na binasa ang reply ni Kendrick. From: Kendrick Aww, gano’n ba. Hindi bale, magkikita naman tayo sa silver anniversary nila Mommy at Daddy, nabanggit mong pupunta ka, right? From: Kendrick I’ll see you there, I miss you! Nagtipa ako ng reply na miss ko na

