CHAPTER 62 NANG MAG-umaga ay maaga pa sa 8 AM akong bumangon at inumpisahan ang araw. Libre na kasi ang breakfast sa isla tapos may pa-massage pa, lahat ‘to ay binayaran na ni Kaijin kaya ginrab ko na ang opportunity lalo na’t stressed na stressed ako sa mga nagdaang araw. Stressed din ako kagabi at halos hindi makatulog nang maayos dahil sa pinagsasabi ni Kaijin. Naglakad ako palabas ng banyo matapos maligo at mag-ayos ng sarili at nang mapadaan sa malaking salamin ng silid ay napahinto ako. Tinitigan ko ang sarili ko at mariing dinuro. “Ikaw! Bakit ka nakangiti! Porke’t iniisip mo lang ‘yung... ‘yung kagabi! Sinabi mo pa naman na infatuation lang ‘yon at temporary pagkagusto tapos... tapos ngayon ngiti-ngiti ka riyan!” Parang tangang singhal ko sa sarili ko saka nameywang pa at hindi

