CHAPTER 57 IGINALA ko ang aking tingin sa buong paligid, halos hinahapo pa na pinagmasdan ko ang palibot ng secret passage mula sa sikretong silid malapit sa restroom ng mall ni Eduardo Quiaz, naging madali sa ‘kin ang pagpasok dito dahil wala ng mga bantay sa labas ng silid. Sa tingin ko napatumba na nila Kaijin at ng mga tauhan niya kanina pa. Mahigpit na hinawakan ko ang dalawang advanced watch na bitbit ko at takot na napalunok ng laway. Ang hitsura ng passage ay tila round and gray metal tunnel na puno ng maliliit na mga tubo ng tubig na nakadikit sa paligid. Madilim din pero nagsisilbing liwanag ang ilan sa mga maliliit na ilaw sa gilid at nakakadagdag pa ng eerie feeling ang bawat tunog ng mga maliliit na tagas at patak ng tubig mula sa mga tubo na tumatama sa metal floor ng tun

