CHAPTER 5

1906 Words
Chapter 5: For Money “PWEDE mo na ‘kong ibaba kahit diyan na lang sa kanto sabi. Ang kulit ng lelang mo hindi ka ba nakakaintindi ng Tagalog?” Ulit ko kay Kai na ayaw pa rin makinig. Kanina ko pa iniisip na mabuti na lang wala siyang sinabing kahit na ano patungkol sa narinig niya sa mga pinagsasabi ng kapatid ko sa phone... iyong cellphone niya lang talaga ang ipinipilit niyang makuha. Abala lang siya sa pagsipat ng lugar na nadaraanan namin habang minamaneho ng isang kamay ang manibela at ang isa naman ay abala sa pag-save ng phone number ko sa kaniyang cellphone. Inagaw ba naman ang phone ko para kuhanin ang number ko nang walang pahintulot. Bwisit talaga, hindi pa rin nagbabago, walang character development ang isang ‘to eh. Nakakainis pa rin mula noong mga teenager pa lang kami hanggang ngayong... I think 26 o 27 na yata siya ngayon dahil isang taon lang ang agwat namin. Just like what his twin brother said to me before. Kumusta na kaya iyong si Kendric? Kendric is his twin brother, hindi kagaya ni Kaijin, mas prince charming like naman si Ken at iyon ang madalas na kalaro at kasundo ko noong nakikitira pa lang ako sa bahay nila. Sobrang gentleman at sobrang kind... nasaan na kaya siya? “No, I want to see where you live. Saan ang bahay niyo?” Walang pakialam na aniya habang binabagtas ang makipot na daan ng lugar. Napahalukipkip ako at padabog na sumandal sa kinauupuan. “Bakit ba? Sinabi ko naman na sa ‘yong susunod ako sa napagkasunduan.” “I don’t trust you and I need my phone back as soon as possible.” Wow ha. Iritableng pinalobo ko na lang ang aking pisngi. Hindi ko pwedeng sabihin kung saan ako nakatira... mahigpit na bilin iyon sa ‘ming magkakapatid ng magulang namin dahil sa mga modus na tinatrabaho nila araw-araw. “Tingin mo talaga makakalabas ka pa ng lugar na ‘to nang buhay ha, kapag pinagtripan ka ng mga tambay riyan paglabas mo, ewan ko na lang kung makauwi ka pang may car.” “I don’t care, where’s your house?” Grr. Nasa amin na kami ngayon dito sa Sitio Dos kung tawagin ng lahat ng taga-rito. Nagpumilit siyang ihatid ako sa rason niyang gusto niyang malaman kung saan ako hahagilapin in case na hindi ako sumunod sa usapan namin, nagbanta pa nga na ipapa-trace ako sa magaling na investigator kapag nagtago ako. Eh bakit naman ako magtatago, P150,000 din ang ibibigay niya ha, never pa ako nakahawak ng ganoon. Mas mabuti pang sakal-sakalin ko ang kapatid ko para lang ibalik ang phone na iyon kaysa takasan siya. Ito ang lugar kung saan nakatira ang bago at totoong pamilya ko na bumawi sa ‘kin mula sa pamilya ni Kai, ang pamilya niya ay iyong kumupkop sa ‘kin noon ng lagpas limang taon. That time hindi ko alam kung matutuwa ako na nahanap ako ng totoo kong pamilya o hindi. ‘Di hamak kasi na malayong-malayo talaga ang uri ng pamumuhay nila Sir Kael at Ma’am Zarina na parents ni Kai kaysa sa pamilya ko rito ngayon. Mula sa mayaman na pamilya niya ay naibalik ako sa pamilyang asin ang ulam paminsan... pero mali naman yata kung magagalit ako. Baka hindi lang ako favorite ni Lord. Mabagal ang takbo ng magarang pulang kotse kotse ni Kaijin dahil nga masikip at basta-basta na lang may tumatawid na bata rito sa daan. Squatter area. Kaya naman normal na kahit madilim na ang kalangitan at pasado alas dose na yata ng gabi ay may iilan-ilan pa ring tao sa paligid, mga tambay na nagkukuwentuhan sa tabi, mga nag-iinuman ng alak, nagyoyosi, ang iba naman ay mga nanay na nagtsitsismisan at naglalaro ng mahjong habang hawak pa ang kanilang mga anak na paslit. Hindi gaya ng exclusive village kung saan nakatira si Kai at kung saan din ako pinatuloy ng parents niya noon, ang lugar na ‘to ay squatter’s area. Mga bahay na halatang pangkapos-palad dahil ang mga materyales na pinagyarian ay mga pinagtagpi-tagping kahoy, tinapalan lang ng tarpaulin ang mga bubong at mga bintana, mga yero na pinagdikit-dikit. Illegal settlers. Ganoon lang. Mahirap kaming lahat dito. Kaya nga kung walang-wala na talagang choice ang lahat sa pera at pangkain hindi mo masisisi na kumapit na lang sa patalim. Iyon ang rason kung bakit kilala rin ang lugar namin na ‘to sa pagkakaroon ng maraming ‘adik’ at ‘kriminal’ gaya ng mga ‘holdaper’ at mga ‘snatcher’. Isa na roon ang pamilya ko. Pamilya namin ang pinaka-maingay ang pangalan sa lugar na ‘to, pinaka-talamak at matinik sa lahat ng uri ng modus na mayroon. “Bahala ka maghanap.” Bulong ko. “Hindi kita papaalisin ng kotse na ‘to at ihahatid na lang sa presinto, may pang-pyansa ka ba?” Napangiwi ako sa kawalan at inis na kinamot ang noo. “Fine, ituturo ko na kung saan ako nakatira. Ihinto mo riyan sa bahay na iyan, ‘yung gate na may tarpaulin ni Duterte na binutas ang mukha.” Detalyadong turo ko sa hitsura ng tarpaulin sa harap ng gate namin na gawa sa yero. Inihinto niya sa harap mismo kaya nagulat ang mga tambay sa paligid, medyo naalarma pa nga marahil dahil hindi kilala ang sasakyan niya at baka pulis ang nasa loob. “Diyan ka ba talaga nakatira?” Pagdududa niya pa. “Oo, gusto mo maglabas pa ‘ko ng panty mula sa bahay na iyan para ibigay sa ‘yo eh.” Walang kagana-ganang saad ko na sinimangutan niya. “Ano?” “’Wag na.” Masama ang tingin ang ipinukol niya sa ‘kin kaya ako naman ngayon ang nagpilig ng ulo at ngumisi nang mapang-asar sa kaniya. “Babalikan kita dito bukas na bukas din.” Ilang segundong nagkaroon ng katahimikan kaya ibinuka ko ang aking bibig para sana sabihing aalis na ‘ko nang bigla itong mauna sa pagkilos. Nagulat ako nang lumapit ito sa ‘kin kaya napaatras ako ng upo at napalunok lang nang maramdamang lumapat ang mismong pinto ng kotse sa ‘king likuran. Ngayon ay kaunting distansya na lang ang nasa pagitan naming dalawa nang mariin ako nitong titigan sa mga mata. Bumaba ang kaniyang tingin sa ‘king labi na tila nagpipigil lang ng sarili sa gagawin. Biglang nabato ako sa kinauupuan, lalo na't natititigan ko ngayon ang kaniyang mukha na natatamaan ng kaunting liwanag mula sa street lights na nasa tabi ng kotse kung saan ito naka-park ngayon. Ang mga mata niyang nakakatunaw ang pinaka-highlight, naramdaman ko saglit na pagtigil ng aking paghinga. Bakit ba siya nakatitig sa labi ko? “’W-Wag kang magkakamaling halikan ako, sasampalin kita...” bigla kong nasabi kaya nabalik sa mga mata ko ang kaniyang tingin, umangat ang sulok ng labi nito at nagulat na lang ako nang biglang tumunog ang lock ng pinto ng kotse sa ‘king likuran. "No need to slap me, babe." He smirked. Saka niya walang pasabing binuksan iyong pinto na kinasasandalan ko kaya naman dire-diretsong nahulog ako sa labas! Napatili ako sa gulat! Punyeta?! “See you tomorrow, glad to see you again, Eicine.” Bati niya na may mapang-asar na ngiti kaya napaawang ang bibig ko sa galit. Hindi pa man ako nakakabawi ng tayo ay nakangising isinara na nito ang pinto ng kotse saka dire-diretsong binuhay ang makina para umalis ng lugar. Gigil na tinanggal ko ang suot na heels sa kaliwang paa at ibinato sa direksyon kung saan ito dumaan. “Bwisit ka talaga kahit kailan!” IKA-ika na naglakad ako patungo sa loob ng bahay namin matapos makipag-maikling away sa mga tsismosang kapitbahay namin sa labas na pinagtawanan ako dahil nakita akong nahulog mula sa loob ng kotse. Hindi ako makapaniwala kung gaano ka-balasubas ang ugali ng Kaijin na ‘yon, dapat makabawi ako sa susunod. Pero bago iyon ay dapat muna makuha ko ang P150,000 na inooffer niya maibalik lang ang phone niya. Mas mahalaga ‘yon!  “Erros!” Habang nagmamadaling nagtatanggal ng heels sa bungad ng pintuan ay nakasalubong ko si Mama bitbit ang pang-walo o pang-siyam yata naming kapatid, hindi ko na mabilang. Hindi kasi uso ang family planning at condom dito. “Oh, Eicine, mabuti naman at maaga ka ngayon. Doon ka sa magaling mong ama at dumating ang inorder na box!” Pinandilatan ako ng mga mata ni mama saka maya-maya ay itinulak ako patungo sa tagong-tago na maliit na bodega sa ilalim nitong bahay kung saan nila ginagawa ang lahat ng trabaho patungkol sa mga ipinagbabawal na droga. “Eh sandali, Mama, nasaan po ba muna si Erros?” “Erros? Aba’y ewan ko! Kanina dumating, ngiting-ngiti kasama pa iyong syota niyang panibago na naman tapos magpapa-chicken din yata, may mga hawak na libo eh.” Nanlaki ang mga mata ko sa narinig saka hindi makapaniwalang nilingon si Mama. “L-Libo?!” “Oo. Mukhang may nakalabit na naman na naholdap. Very good talaga ‘yon, ikaw nasa’n na ang sahod mo?! Babayaran ko pa ang utang ko sa bumbay!” Hindi ko pinansin si Mama at nagmamadaling tinungo ang maliit na kwarto ni Erros. Hindi ko maiwasang kabahan, nabenta niya na kaya ‘yung cellphone ni Kaijin?! Walang katok-katok na binuksan ko ang pinto ng kwarto ni Erros at halos maabutan pa itong may pinapatungang babae sa maliit na foam ng kwarto niya. Sabay silang nagulat at napatingin sa ‘kin. “Erros! Nasa’n ‘yung cellphone?” “Tangina naman! Busy ako! Hindi mo ba nakikita?!” Ngiwi niya sa ‘kin saka nahihiyang hinugot ng babae sa ilalim niya ang kumot sa gilid para takpan ang hubad nitong katawan. Walang pakialam na binuksan ko ang ilaw sa kwarto at hinatak ang gagong kapatid ko sa kwelyo ng polo shirt na suot niya. “’Yung cellphone ng hinoldap mo kanina! Nasaan na? At saka sino ba ang nagsabi sa ‘yo na holdapin ‘yon, abnormal ka ba, anak iyon ng mag-asawang kumupkop sa ‘kin!” Namilog ang mga mata niya, ilang segundong tinitigan ako nang may gulat pa rin na tingin. “Nabenta ko na sa tropa ni Makoy.” Mahina niyang saad, tinutukoy ay ang kaibigan niya. Napangiwi ako. Hindi naman sa nag-aalala ako sa phone ni Kaijin dahil wala naman akong pakialam pero ako kasi ang ipakukulong niya at isa pa... sayang ‘yung P150,000! Sa gigil ay sinuntok ko sa mukha ang kapatid ko. “Bobo ka talaga!” Nakabusangot na sambit ko saka frustrated na tumili habang sinasabunutan ang sarili, nang mainis pa lalo ay siya naman ang sinabunutan ko saka lumabas ng kwarto niya. Hindi ko alam kung bakit ang malas-malas ng araw na 'to, wala pa akong report sa trabaho ko dahil sa nangyaring kapalpakan kay Kaijin imbis na si Edward kanina. Ilang segundo lang ang pagitan nang maramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko kaya naman nakakunot ang noo na sinipat ko kung anong notification iyon. From: 09981837875 Make sure to give my phone tomorrow, I’ll be there in front of your house early in the morning, I’m sure by that time ay nasa sayo na ang phone ko. Gumising ka ng maaga. Napangiwi ako. Hindi niya na ako kailangan sabihan na gumising nang maaga dahil paniguradong hindi naman ako makakatulog kakaisip kung saan hahagilapin ang hinoldap ng kapatid ko na cellphone niya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD