CHAPTER 60 THIRD PERSON’S POV MALAKAS na hinampas ni Police Major General Baruelo ang malawak na mesa na pinalilibutan nila ng upo kasama ang iba pang kasamahan nito sa Special Mission Unit, nasa kaliwa nakaupo si Honey habang nasa kanan naman ng heneral nakaupo si Euan Vergara, kasama rin nila sa silid ang buong mga parte ng Intelligence Task Force Team. “Nakawala si Eduardo Quiaz?! Ano sa tingin ninyo ang gagawin niya ngayon? Sa tingin niyo ba ay hindi pa niya tinatawagan sa mga oras na ‘to si Eurelio na huling miyembrong may hawak ng singsing para sabihing dapat na ulit silang magtago dahil hina-hunting na naman natin sila?” Galit na galit na bulyaw nito sa mga nakikinig sa kaniya. Nagkaniya-kaniya ang mga naroon ng yuko dahil base sa sigaw ng heneral ay mukhang napigtas na nga nang

