Chapter 5

2913 Words
"BAKIT madilim sa bahay n'yo?" nagtatakang tanong ni Kian matapos ihinto ang motor sa tapat ng bahay nila. "Umalis sila lahat eh, nag-dinner kasama kaibigan ni Dad. Sinasama nga ako eh sabi ko sila na lang," sagot ni Kira. Lumingon sa kanya si Kian. "Dahil ba hindi ka nakauwi agad?" Umiling si Kira. "Hindi. Nakuwento ko na kay Mommy 'yong nangyari kanina kaya sabi ko magpapahinga na lang ako." Tumango-tango si Kian pagkatapos ay inalalayan siyang bumaba ng motor. "Ano kaya mo maglakad?" "Oo, okay na ako." Pagpasok nila sa bahay ni Kian. Naabutan ni Kira ang ina ng kaibigan na nagluluto ng hapunan. "Mommy Amy," nakangiting bati niya. Lumapit silang dalawa at nagmano saka humalik sa pisngi nito. "Oh, bakit ka iika-ika maglakad?" Kinuwento ni Kian ang nangyari. "Ayos ka na ba?" "Opo, okay na okay," nakangiting sagot niya sabay thumbs up. "Eh bakit naman kayo inabot ng dilim?" "May practice lang ng basketball, Ma. Hinintay na rin ako ni Kira," sagot ni Kian. "Oo nga pala, nandoon ang susi ng bahay n'yo sa gilid ng TV. Huwag ka nang magluto ng ulam, sinabi ko na kay Mommy mo na ako na bahala." Kinilig na yumakap si Kira sa beywang nito. "Yiii, thank you Mommy! Ang lakas ko talaga sa'yo!" "Sige na at magbihis ka na doon sa inyo para makapagpahinga ka na. Mag-saing ka ha?" "Opo." Matapos kunin ang susi ay umuwi na si Kira sa kanilang bahay. Matapos buksan ang mga ilaw sa loob ay dumiretso siya ng kusina at nagsalang ng sinaing sa rice cooker. Pagkatapos ay saka umakyat sa silid para makapag-shower at magbihis ng pambahay. Habang nasa kuwarto at inaayos ang gamit para mag-aral sa sala. Napakunot noo siya nang makita na tumatawag si Kian. "Bakit?" bungad niya sabay lingon sa labas. "Okay ka lang diyan?" tanong nito. Napangiti si Kira nang makita itong naroon sa terrace at nakatingin doon sa silid niya. Wala itong suot na pang-itaas at may nakasampay na t-shirt sa balikat. He's leaning towards the handrails while holding the phone with his hand. Lumabas si Kira ng terrace at sinalubong ito ng ngiti. Mula sa kanyang puwesto ay nakita niyang gumanti ng ngiti sa kanya ito. "Yes, I'm good." "Gusto mo samahan kita hanggang makauwi sila Mame? Diyan na ako kakain ng dinner sabay tayo gumawa ng assignments." "Sige, para naman may kausap ako. Kaya lang hindi ka ba nauumay sa akin? Magkasama na tayo sa school hanggang dito ba naman?" Tumawa ito. "May choice ba ako?" "Yabang mo talaga!" Mula doon ay narinig niya ang malakas na tawa nito. "Kung anu-ano na naman kasi naiisip mo eh. Bakit naman ako mauumay sa'yo? Miss, let me tell you something. Hindi pa man tayo pinapanganak tinahi na ng mga nanay natin ang buhay natin dalawa. So, whether you like it or not, you're stuck with me forever." "Alam mo, kung ibang babae lang ako, malamang kinilig ako sa mga pinagsasabi mo," natatawa na sagot niya. "Puwede ka naman kiligin sa best friend mo." Kira made a face and pressed the end call button. "Yuck!" malakas na sigaw niya. Tumawa lang si Kian. "Balang araw, makikita mo!" sagot nito. "Ano?" "Wala! Iyakin!" Hindi mapigilan ni Kira ang mapangiti nang tumalikod siya. Siyempre kinilig siya ngunit hindi lamang niya maaaring ipahalata. Biglang natigilan ang dalaga nang may biglang maisip. Kahit na sanay naman siya sa pag-aalaga at pag-aasikaso ni Kian, pero mas iba ang pag-aalaga nito sa kanya sa araw na iyon dahil sa nangyari. Kaya naman bilang pasasalamat, naisip ni Kira na mag-bake ng brownies na siyang paborito nito. "UY, ANG bango!" Iyon agad ang nasabi ni Kian nang salubungin siya ng pamilyar na mabangong amoy pagpasok ng bahay nila Kira. Agad nilapag ang dala niyang ulam sa mesa maging ang mga gamit pagkatapos ay lumapit sa kaibigan at tumayo sa likod nito. "Nag-bake ka ng brownies?" tanong pa niya habang nakatingin sa baking pan na kalalabas lang mula sa oven. Nakangiting tumango si Kira. "Para may kainin tayo mamaya habang gumagawa ng assignments," sagot nito. Excited na napangiti si Kian saka yumakap sa leeg ng dalaga saka niyugyog ito. Isa sa mga talent ni Kira ay ang pagluluto lalo na sa baking. Aside from brownies, she bakes great cupcakes, cakes, cookies and even breads. At ang mga baked goods na ginagawa nito ang paborito niya. "Teka, maghahain na ako para makakain na tayo," sabi pa niya. Beef Pochero ang niluto ng Mommy ni Kian at iyon ang pinagsaluhan nilang dalawa. "Anong oras daw uuwi sila Mame?" tanong pa niya. "Hindi ko alam pero malamang gabihin 'yon." "'Di ba dalawa lang ang assignments natin?" tanong pa ulit ni Kian. "Oo." "Maghanap na tayo ng University na papasukan." Napalingon si Kira. "Sige, pero saan mo ba gustong mag-aral?" "Sa Maynila sana eh. Ikaw?" "Hindi ko pa alam." Kian leaned forward. "Kira, kailangan magkasama tayo ng school. Kaya dapat sabay tayo mag-apply at mag-take ng entrance exam." "Puwede naman kaya lang paano kung isa sa atin ang hindi nakapasa? Halimbawa ako." "Eh di hindi ako tutuloy. Kung nasaan ka, doon ako. Paano kung ako ang hindi nakapasa?" "Same," nakangising sagot nito. "Hindi rin ako tutuloy." "'Yon!" usal niya sabay taas ng kamay at nag-high five sila. "Speaking of college, anong course ang kukunin mo?" tanong nito. "Com Arts ang gusto ko. Ikaw ba? Itutuloy mo 'yong BS Biology?" "Uh huh," sagot niya. "Magdo-doktor ka talaga?" Kumunot ang noo ni Kian sabay lingon dito. "Bakit parang hindi ka makapaniwala?" "Wala lang, eh wala sa itsura mo na gusto mo mag-doktor. Wala ka naman nababanggit sa akin." "Actually, si Dad ang nagbigay sa akin ng idea dahil isa sa kapatid niya doktor. Eh ako naman kahit saan ilagay makaka-adopt ako. Eh di mag-doktor, kapag hindi kinaya saka ako mag-shift sa ibang course," sagot niya. "Okay. Sabagay, maganda din na may isang doktor sa pamilya n'yo." "Isa pa, para maalagaan kita." Natigilan si Kira sa pagkain at tumingin sa kanya. Mayamaya ay ngumiti ito at bumuntong-hininga. "Minsan talaga, no? Sweet ka," pabirong sagot nito. Isang kindat lang ang sinagot niya dito pagkatapos ay natawa siya. Matapos kumain ay si Kian na rin ang naghugas ng pinagkainan nilang dalawa. Habang abala sa ginagawa, si Kira naman ay maingat na hinihiwa ang brownies mula sa baking pan. "Aray!" biglang daing nito. "Oh, anong nangyari?" tanong agad ni Kian sabay lingon. Nakita niya na nakahawak sa tenga nito si Kira. "Napaso ako, mainit nga pala 'yong pan," natatawang sabi nito saka kinuha ang pot holder. Agad hininto ni Kian ang ginagawa saka nilapitan ito. "Patingin nga ng kamay mo," sabi nito. Kinuha niya ang kamay nitong napaso. Nang makita na bahagyang namumula ang daliri nito at napapalatak siya. "Ah!" daing nito matapos pitikin ito sa noo. "Hindi ka kasi nag-iingat!" "Masakit 'yon ah!" singhal nito sa kanya sabay hawak sa noo nito at bawi sa kamay nito. Natatawa na muling kinuha ang kamay nito pagkatapos ay dinala iyon sa bibig niya at hinalikan ang napasong parte. Napansin ni Kian na natigilan si Kira. His heart beats so fast when their eyes met. Sa halip na bumawi ng tingin ay nanatili lang napako ang mata niya sa dalaga. Ang babaeng nasa harapan ni Kian ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay wala siyang girlfriend. That is because he is in love with his best friend. Hindi alam ng binata eksakto kung kailan at paano basta isang araw na lamang ay namalayan niya na mahal na niya si Kira nang higit sa isang kaibigan. Iyon din ang eksaktong dahilan kung bakit ganoon na lang niya bakuran ito sa mga lalaking nagkakagusto dito kahit kay Uno. Because he is afraid that she will fall in love with other man. Habang patuloy siyang nakatitig sa magandang mukha ni Kira ay lalong bumibilis ang pintig ng puso ni Kian. Tila may umiikot sa kanyang tiyan na hindi maipaliwanag. Kira has the most beautiful face. Mestisa ito dahil na rin Amerikana ang lola nito sa father side. She has fine and fair flawless skin. Kian loves it every time her hair just rests on her shoulders. She has a hazel brown pair of eyes. Maliit at matangos ang ilong nito. She has that natural red plump lips. Kian loves everything about her. She is a very sweet and lovely girl. Mabait ito. Masayahin. Bungisngis. She loves to play guitar, isa iyon sa bonding nilang dalawa. Sa katunayan ay si Kian mismo ang nagturo dito na mag-gitara. She loves wearing dresses, and put on girly accessories. Fashionista. Ang galing nitong pumorma kaya lalong nahuhulog ang damdamin niya. Kira is the kind of person who has no pretensions. Hindi ito nagpapanggap. Magmumura ito kapag gusto nito. Sa kabila ng pagiging sweet at malambing nito, para naman itong dragon kapag nagalit. Kung nalalaman lang ni Kira kung gaano niya ito kamahal. Ngunit kailangan pigilan ni Kian ang sarili na sabihin ang tunay na nararamdaman dahil natatakot siya na baka hindi sila pareho ng damdamin. Natatakot siya na baka lumayo ito sa kanya. Ngunit kapag dumating ang oras na mabigyan siya ng pagkakataon. Hindi magdadalawang isip si Kian na magtapat ng damdamin dito. "Masakit pa?" tanong niya. Tumikhim si Kira. "Ha? Ah... hi-hindi na. Salamat!" sagot nito sabay bawi ng kamay. Matapos iyon ay maingat na nitong hinango ang brownies sa pan saka nilagay iyon sa pinggan. Nasa gitna siya ng ginagawa nang mag-ring ang kanyang cellphone. Si Kian ang unang sumilip doon. "Si Mame," sabi nito. "Pakisagot nga," sagot niya habang naghuhugas ng kamay. "Hello po, Mame!" bungad ni Kian pagsagot ng tawag at nilagay sa loudspeaker ang phone. "Oh Kian, nasaan si Kira?" "Ay nandito po, naghuhugas ng kamay." "Nasaan kayo?" "Nandito po sa inyo sabay po kami kumain ng dinner." "Ay mabuti naman, anak. Tumawag nga ako para sana sabihin sa kanya na magpasama sa'yo." "Huwag ka mag-alala, Mame. Ako po muna ang bahala dito, sabay kaming gagawa ng assignments," sagot ni Kian. "Very good, mga anak." "Kian, magsarado kayo ng pinto diyan sa sala ha? Huwag n'yo iiwan bukas, baka pasukin kayo ng kung sino riyan," bilin ng daddy ni Kira. "Yes, Dade. Ako po bahala. Huwag kayo mag-aalala." "Salamat, iho." "Mommy! Iyong pasalubong ko ha?" sabad ni Kira. "Ano ba gusto mo?" "Kahit ano basta masarap," sagot niya. "Sige na." "Bye Mame, ingat po kayo." Nang matapos iyon ay kumuha si Kian ng iced tea sa ref at doon sa sala nila kinain brownies habang nag-aaral. KINAKABAHAN si Kira nang sa wakas ay pindutin ang submit button ng kanyang application sa huling University na ina-applayan nila. Maaga pa kung tutuusin ngunit mas mabuti na iyon para makakuha sila ng slot at hindi mapunta sa waiting list. She clasped her hands and with eyes closed, she prayed. "Lord, huling stage na. Sana magkasama pa rin kami ni Kian na makapasa sa University," usal niya sa kanyang isipan. "Puwede bang magbaon ka nito bukas?" Iyon ang nakapagpa-dilat sa kanyang mga mata. "Oo sige. May natira pa naman, itatabi ko na." Natapos na rin silang gumawa ng assignments. Pasado alas-nuwebe na ng gabi ngunit hanggang ngayon ay wala pa ang parents at mga kapatid niya. Mula sa pagkakaupo sa sahig ay tumayo si Kira saka nahiga sa sofa. "Kapagod," reklamo niya. Mayamaya ay napalingon siya kay Kian nang tumayo din ito pagkatapos ay tumayo sa may paanan niya. "Bakit?" "Tabi tayo," paglalambing nito. "Ay, suwerte ka?" Bumuntong-hininga lang ito. Bahagya siyang napaatras nang humiga nga ito sa tabi niya. Ganoon na lang kalakas ang naging pagkabog ng dibdib ni Kira nang yumakap ito sa kanyang beywang pagkatapos ay umunan sa tiyan niya. "I'm so tired. Ang sakit ng katawan ko dahil sa practice namin ng basketball kanina. I just want to cuddle with you for a while," sabi pa nito. Nang silipin ni Kira ang mukha nito ay saka pa lang niya nakita na nakapikit ito. Huminga siya ng malalim at pilit na pinakalma ang sarili. Iyon ang unang beses na naglambing ng ganoon sa kanya ang binata. Kira found herself gently brushing his hair with her fingers while gently tapping his back. "Huwag kang matutulog baka maabutan tayo nila Mommy na ganito, baka mag-isip ng iba 'yon," bilin niya. "Hindi. Pipikit lang ako," sagot nito. Bahagyang nahigit ni Kira ang hininga nang mas humigpit pa ang yakap nito sa kanyang beywang. Mula sa kaba ay unti-unting kumalma ang kanyang damdamin. Namalayan na lamang ng dalaga ang sarili na nakangiti habang hindi inaalis ang tingin mula kay Kian. "Ang lakas mo akong asarin, tapos magpapa-baby ka sa akin ng ganito," natatawang sabi niya. "Gusto mo ba sa iba ako magpa-baby? Kapag ginawa ko 'yon baka umiyak ka naman," sagot nito. "Hindi ah, feeling nito!" depensa niya. Mayamaya ay tumingala ito. "Ako lang ang puwedeng mag-cuddle sa'yo ng ganito ah. Lagot ka sa akin kapag ginawa mo 'to sa iba," banta nito. Natawa siya ng malakas. "Sa lahat yata ng best friend na lalaki, ikaw ang masyadong seloso." "Ayaw mo no'n wala kang kaagaw sa akin?" "Tss, oo na," sagot niya. Muli itong umunan sa tiyan niya saka bumuntong-hininga. Kinuha nito ang kamay niya at nilagay ulit sa ulo nito. Napailing na lang si Kira nang makuha ang ibig nitong sabihin kaya muli niyang hinaplos ang buhok nito. Lumipas ang ilang minuto, pasado alas-diyes ng gabi nang dumating ang parents ni Kira. Nang marinig ang busina ng kotse ay napabalikwas ng bangon si Kian at nahulog sa sofa. Natawa silang dalawa nang gumapang ito pabalik sa puwesto nito kanina. Mayamaya ay saka sila tumayo at sinalubong ang mga ito sa gate. Agad silang nagmano at humalik sa pisngi ng mga magulang nang makababa ng sasakyan ang mga ito. "Good evening, Mame, Dade!" bati ni Kian sa mga bagong dating. "Kumusta kayo dito?" "Ayos naman po," sagot ni Kian. "Saan ba kayo nag-dinner?" "Sa Hotel sa Makati pa kaya na-traffic kami pauwi." "Oh, para sa inyo ni Kian." Namilog ang mga mata ni Kira nang makita ang dalawang box ng iba't ibang klase ng cream puffs at eclairs. "Wow!" mangha na bulalas niya. Bigla siyang napasimangot nang ihilamos ni Kian ang palad nito sa mukha niya. "Basta pagkain talaga, kaya ka namimilog 'yang pisngi mo eh!" natatawang sabi nito. "Sinasabi mo bang mataba ako?" singhal niya dito sabay amba ng suntok. "Ay maryosep kayong dalawa talaga, hindi puwedeng hindi mag-aaway araw-araw." "Wow, Ate! Nag-bake ka ng brownies?!" narinig niyang tanong ng kapatid. "Hoy Emil, huwag mong pangarapin kainin 'yan! Para kay Kian 'yan!" mabilis niyang saway sa kapatid. Ngumisi lang si Kian at nang-aasar na nagbelat kay Emil. "Hehehe akin lang 'yan!" "Hmm, damot!" "O siya tama na 'yan. Lian, Emil umakyat na at matulog may pasok pa bukas," saway sa kanila ng ama. "Kayong dalawa din." "Yes Dad," sagot ni Kira. Tinulungan niya si Kian na ayusin ang gamit nito. Kinuha din niya ang pinaglagyan ng ulam na dala nito kanina at ang box ng cream puffs at eclairs na bigay ng kanyang ina, pagkatapos ay hinatid ito sa gate. "Matulog ka na. Huwag mong babasain 'yang sugat mo sabi ni Doc, baka makalimutan mo." "Akong bahala dito, huwag ka mag-alala." "Goodnight," nakangiting sabi ito. "Goodnight din." Hinatid pa ni Kira ng tingin si Kian hanggang makapasok ito. Bago pa isarado ang pinto ay kumaway pa ito sa kanya. Matapos iyon ay saka siya pumasok sa bahay. Tinabi niya sa isang baunan ang brownies pagkatapos ay nilagay iyon sa refrigerator kasama ang pasalubong sa kanya ng ina. Pagdating sa kuwarto ay agad siyang tinulungan ng kanyang mommy na ibalot ng plastic ang sugat niya para hindi mabasa kapag nag-shower siya. Matapos iyon ay nilinasan nito ang sugat niya. Mayamaya ay sumunod ang Daddy niya. "Naikuwento ng mommy mo ang nangyari sa'yo kanina. Ni-reklamo mo ba sa mga teacher mo 'yong babaeng nang-bully sa'yo?" tanong ni Samuel sa anak. "Hindi na, Dad. Saka nilagay na siya ni Kian sa tamang lugar niya, ayos na 'yo. Pinagtanggol naman niya ako," sagot ni Kira. "Medyo malalim itong sugat mo. Buti nakaya mo kanina habang inaalis 'yong bubog? Mahina pa naman loob mo sa ganito," tanong ni Karina sa anak. "Hindi nga ho ako tumingin eh. Nakayakap lang ako kay Kian, ang sakit kaya kanina habang naglalakad ako kaya palagi akong binubuhat ni Kian." Nagkatinginan ang mag-asawa pagkatapos ay napailing si Karina. "Anak, ikaw nga eh huwag mo inaaway si Kian palagi. Tingnan mo at alagang-alaga ka niya, hindi ka pinababayaan tapos ikaw naman konting asar mapipikon at mang-aaway," pangaral sa kanya ng ina. "Luh, hindi ko naman inaaway eh. Hindi naman seryoso 'yon, My," depensa ni Kira. "Kahit na, baka mamaya mapikon na 'yon ng tuluyan sa'yo." "Ikaw rin, baka mamaya magka-girlfriend 'yang si Kian, bigla ka ma-itsapuwera. Selosa ka pa naman," panunudyo ng kanyang ama. "Daddy naman!" "Oh, huwag ka mag-deny. Narinig namin ng Mommy Amy mo ang pinag-awayan n'yo noong nakaraan linggo." "Wala naman 'yon eh," sabi niya saka umiwas ng tingin. "Anak, you're already eighteen. Behave like a woman," paalala ng ama. "Paano ka liligawan ni Kian kung masyado kang galawgaw?" sabi pa ng ina. "What?! Si Kian... ako? Kami... Mommy naman, Malabo!" Nanunudyong ngumiti sa kanya ang mga magulang. "Huu, kunwari pa kayong dalawa." "Grabe, Lord. Wala po bang ibang parents d'yan? Iyon po sana hindi chismoso at chismosa!" pabirong sabi niya. "Aba, itong batang 'to!" saway ng Mommy niya at umamba ng kurot. Tumawa ng malakas si Kira sabay iwas. "Sige na, matulog na at may pasok ka pa bukas."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD