Chapter 6

2097 Words
NAROON si Kian sa court sa mga sandaling iyon. Kalalabas lang niya mula sa locker at nagbihis. Habang inaayos ang hinubad na uniform at nilalagay sa bag ay tumabi sa kanya si Uno. "Tara, warm up," sabi niya. Akma siyang tatayo nang hawakan siya ni Uno sa braso. Nang lumingon ay seryoso ang mukha nito habang nakatingin sa kanya. "Pare, puwede ka ba makausap?" tanong nito. "Sige, ano ba 'yon?" tanong din niya. Sa halip na magsalita ay tila nag-iisip muna ito. "Mukhang seryoso ka ah, may problema ba?" Tumikhim si Uno at pumihit paharap sa kanya. "Pangako mo muna huwag mo 'ko sasapakin." Kumunot ang noo ni Kian. Lalo tuloy nakuha nito ang kanyang atensiyon. "Sige, pangako." Bumuntong-hininga si Uno. "Tungkol kay Kira." Biglang naalarma si Kian. Agad siyang nakaramdam ng bigat sa dibdib. Kahit hindi pa nagsasalita ay may hula na agad siya kung ano ang sasabihin. "What about her?" "Do you like her?" direktang tanong ni Uno. Kian was taken aback. Hindi iyon ang inaasahan niyang maririnig mula kay Uno. "H-Ha?" nautal na sagot niya. "I'm asking if you like her, I mean not as your best friend, you know what I mean, as a man to a woman." Biglang kumabog ang dibdib niya ngunit tinago ni Kian ang kaba sa tawa. "Ano ba 'yang tinatanong mo?" "Answer me, please. I need to know. Gusto ko muna masiguro kung ano ba talaga ang feelings mo para sa kanya dahil ayokong magkaroon tayo ng problema." "Bakit tayo magkakaproblema?" "Kian, kahit hindi mo sabihin o patuloy mong itanggi. Alam ko na hindi lang ako ang may gusto kay Kira dito," sabi nito sabay lingon ulit sa kanya. Natigilan si Kian at bumawi ng tingin matapos makuha ang ibig nitong sabihin. "Alam ko na may gusto ka rin sa kanya. Mahal mo siya nang higit pa sa isang matalik na kaibigan. Kahit hindi mo sabihin, I can see the way you look at her. The way you smile every time you see her. Kung paano mo siya alagaan at mag-alala sa kanya. It's all written in your face. I'm saying this because you are my best friend and you're important to me. Ayokong magkaroon tayo ng hindi pagkakaunawaan dahil dito. Pare, alam ko na binabakuran mo siya. Alam ko kung gaano ka kahigpit pagdating kay Kira. Kaya gusto ko muna ipaalam sa'yo higit kahit na kanino dahil ikaw ang best friend niya. Kian, you know that I like Kira. Actually, I love her. I'm in love with her. Hindi pa siya pumapayag na ligawan ko siya pero handa akong maghintay. I want to be there for her. Gusto ko siyang suyuin. I want to spend time with her. Give her gifts." Huminga ng malalim si Kian. Ang marinig na may lalaking nagmamahal kay Kira na maaaring umagaw sa kanya ng atensiyon ng dalaga ay nilalamon na siya ng selos. That moment, Kian wants to be selfish. He wants to keep Kira exclusively for him. But the one who's talking about his love for his best friend is Uno. Hindi magagawang ikaila ni Kian na mabait ito, isa pa ay kasundo ito ni Kira. Bukod doon, matagal na niyang alam na may gusto din dito ang matalik na kaibigan. Hindi siya magisinungaling sa sarili, labag sa kanyang kalooban na ipaubaya si Kira kay Uno? Nasasaktan siya. Nagseselos siya. But this is Uno. Paano niya magagawang salungatin ito kung ganito nagsasabi sa kanya ito ng maayos? "I'm just protecting her. Sabay kaming lumaki at nagkaisip ni Kira. We have a promise that we will stay beside each other at all times, kahit hanggang sa tumanda kami. She's my best friend and I'm just doing what I think the best for her. Si Kira ang pinakaimportanteng babae sa buhay ko, she's special to me. Hindi ko kayang makita siyang nasasaktan o umiiyak." "Do you plan to confess to her anytime soon?" tanong pa nito. Muli siyang humugot ng malalim na hininga sabay iling. "I can't. Not now. Natatakot pa ako dahil baka bigla niya akong layuan." Marahan tumango si Uno. "Do you mind if I ask you to give me a chance to prove myself to her? Ako muna? I'm sorry for asking you this, but I'm saying this to you for our friendship. If you allow me, I promise I will protect her and I will not hurt her." Huminga ng malalim si Kian para maibsan ang biglaan paninikip ng kanyang dibdib. "It's not for me to answer that, pare. Ask her. Kahit naman pagbawalan kita o siya, si Kira pa rin ang masusunod. Pero paano kung nabasted ka?" "I will back off. Hindi ako magiging hadlang sa inyo." Ngumiti si Uno pagkatapos ay nag-high five sila. "Salamat, pare." "Wala 'yon." "Nga pala, nakita ko si Andrea kanina ah," sabi pa nito. "Talaga?" "Oo, kinausap pa nga ako. Tinatanong ka." Natawa lang siya saka napailing. "'Di ba may gusto ka dati kay Andrea? Binanggit mo sa akin dati na gusto mo siyang ligawan," sabi pa ni Uno. "Tingnan mo 'to, pagkatapos mo magpaalam ng ganyan itutulak mo ako sa ibang babae. Alam mo naman na ang totoong nararamdaman ko! Naniniguro ka lang yata na masolo si Kira eh!" Tumawa si Uno. "Try mo lang kay Andrea, balita ko may gusto rin 'yon sa'yo." Tinapik lang ni Kian ito sa balikat saka tumayo. "Tara na, warm na bago pa dumating si coach," sa halip ay pag-iiba niya sa usapan. MAAGA natapos ang klase nila sa araw na iyon. Kinailangan ng Teacher nila umalis ng maaga dahil sa isang family emergency. Kaya habang naghihintay ng uwian ay tumambay muna si Kira sa school garden. Naroon siya sa ilalim ng matayog na puno habang nakaupo sa mahabang kahoy na upuan at nagbabasa ng libro. Habang nagko-concentrate siya sa pagbabasa, halos mapatalong siya sa gulat nang biglang may sumigaw mula sa likod niya. "Kira!" "Ay kambing!" malakas na sigaw niya. Tiningnan niya ng masama si Kian nang malakas itong tumawa. Bigla itong tumakbo nang inamba niya na babatuhin ng libro na binabasa. "Siraulo ka, magkakasakit ako sa puso dahil sa'yo eh!" "Sorry na," tumatawang sagot nito habang palapit. "Kainis 'to," sabi niya. Biglang tinaas ni Kira ang libro nang mahiga si Kian at umunan sa hita niya. "Tumayo ka nga diyan, bigat ng ulo mo eh," reklamo niya. "Eh, pahiga lang kasi." Bumuntong-hininga na lang siya at napailing pagkatapos ay binalik ang atensiyon sa binabasa. "Kira," tawag sa kanya ni Kian. "Hmm?" "Can you promise me?" "Na?" "Kapag may balak ka na magkaroon ng boyfriend, sasabihin mo muna sa akin ah?" Napakunot-noo siya. "Ha? Pinagsasabi mo diyan?" "Wala lang. Naisip ko lang." "Wala pa nga sa isip ko 'yan, bawal nga sabi ni Daddy, 'di ba?" "Alam ko. Hindi pa naman ngayon." Mayamaya ay bumangon ito pagkatapos ay umurong palapit sa kanya. Napakunot-noo si Kira saka napalingon dito. "Teka nga, wala ka bang practice ng basketball?" "Tapos na. Kaya nga hinanap kita agad pagbalik ko sa room." Tinapik ni Kira ang hita niya. "May twenty minutes pa naman bago ang uwian natin. Idlip ka muna, gisingin na lang kita." "Nah, I'm okay." Nagkibit-balikat na lang si Kira. Ngunit hindi niya maituloy ang pagbabasa dahil kanina pa niya napapansin na parang balisa si Kian at panay ang lingon sa paligid. Kaya lumingon din siya sa paligid baka sakaling may hinahanap o hinihintay ito, ngunit bukod sa kanila ay wala naman ibang tao sa paligid. Nang hindi nakatiis ay sinarado niya ang libro at pumihit paharap kay Kian. "Okay, spill it." Lumingon ito sa kanya. "Ha?" "I said, spill it. Sabihin mo na ang problema mo. Hindi iyon para kang bulate na inasinan diyan. Hindi ka mapakali at nakaka-distract ka." "Wala. Okay lang ako, wala akong problema." "Weh? Maniwala ako," panunudyo pa ni Kira saka nilapit ang mukha kay Kian. Biglang natigilan si Kira nang lumingon si Kian. Mabilis na nag-react ang kanyang damdamin. Nawala sa normal ang t***k ng puso niya, kaybilis niyon na parang sasabog ano man oras. Kaya bago pa man makahalata si Kian ay bumawi siya ng tingin. Ngunit ganoon na lang ang gulat at panlalaki ng kanyang mga mata nang bigla siyang hinawakan ni Kian sa pisngi sabay pihit ng kanyang mukha muli paharap dito. Kian looks at her face as he's trying to memorize every part of it. Ang daliri nito ay marahan humahaplos sa kanyang pisngi. Hanggang sa bumaba ang tingin nito sa kanyang mga labi. Her chest is about to explode anytime. Malakas at mabilis ang naging pagtibok ng kanyang puso nang unti-unting nilalapit ni Kian ang mukha sa kanya. Knowing what he is about to do. Kira slowly closed her eyes. Waiting for his lips to touch her. Tuluyan niyang nahigit ang hininga nang sa wakas ay lumapat ang labi nito sa kanya. Mahigpit na napahawak siya sa kanyang palda. Biglang nanindig ang balahibo niya sa batok at tila may umiikot sa loob ng kanyang tiyan. Nang lumayo si Kian ay nanatili silang nakatitig sa isa't isa. Bumuka ang bibig niya para sana magsalita ngunit walang masagap na ano man ang kanyang isipan. When Kira was about to look away again, Kian suddenly held her face and then, pulled her face again for another kiss. This time, Kian is closing his eyes. Sa halip na itulak ay natagpuan na lamang ni Kira ang sarili na muling pinikit ang mga mata. Bigla siyang napadilat nang marinig na ang pagtunog ng bell. Mayamaya ay tuluyan nang lumayo sa kanya si Kian. They just stared at each other. Walang nagsasalita tila kapwa walang ano man salita ang mahagilap ang kanilang mga isipan. Nagawang ngumiti ni Kira nang sa wakas ay ngumiti si Kian. Matapos iyon ay hinalikan siya nito sa noo saka niyakap ng mahigpit. "Stay here, ako na kukuha ng mga gamit natin." Tulala na napatango na lang siya. Nang makaalis si Kian ay biglang nalapat ni Kira ang mga palad sa magkabilang pisngi. Saka lang niya napagtanto na mainit ang kanyang mukha at natitiyak niya na namumula na iyon. Mayamaya ay napapikit siya at tuluyan tinakip ang palad sa mukha. "Bakit n'ya ginawa 'yon? Kian... why?" natatarantang tanong sa kanyang isipan. Nasa ganoon siyang ayos nang maramdaman na may humawak sa kamay niya. Kahit hindi pa nakikita, alam na agad ni Kira na si Kian iyon. "Let's go," sabi nito. Tumikim si Kira saka kinuha ang libro at tumayo. Inaasahan niya na bibitiwan na nito ang kanyang kamay. Ngunit sa halip ay mas mahigpit pa ang naging hawak nito na para bang ayaw na siyang bitiwan nito. "Bye, Kira! See you tomorrow!" narinig niyang sabi ni Uno. Agad siyang napalingon saka ngumiti at kumaway. Napansin ni Kira na bumaba ang mata nito sa kamay nila na magkahawak. Sinubukan ng dalaga na bawiin ang kamay mula kay Kian ngunit sa halip ay mas lalo pa nitong hinigpitan ang hawak niyon. Nang lumingon ito kay Uno ay mas lalo siyang hinila ni Kian palayo. Pagdating sa nakaparada nitong motor ay sinuotan siya nito ng helmet. "Sakay na," sabi pa nito. "S-Sandali, i-iyong libro ko. I-ila-ilalagay ko lang sa bag," nagkakandautal na sagot niya. Sinubukan ni Kira na maging kalmado pero hanggang sa mga sandaling iyon ay ninenerbiyos pa rin siya. She can feel her hands are cold and a bit shaking. Nang sa wakas ay mailagay na libro sa loob ay inalalayan pa siya ni Kian na sumakay ng motor. "Hold tight," sabi nito. Kabado pa rin na humawak siya sa damit nito. Nahigit ni Kira ang hininga sa pagkagulat nang hawakan ni Kian ang kamay niya at hinila kaya napayakap na siya ng tuluyan sa beywang nito. "I said hold on to me. Don't let me go, Kira. Never let me go." "Okay," sagot niya. Nang paandarin ni Kian ang motor ay pinagbigyan ni Kira ang sarili. Hinigpitan niya ang yakap sa beywang ng binata pagkatapos ay sinandal ang ulo sa likod nito. "Kung puwede lang, Kian. Sana tayo na lang," sabi niya sa isipan. Habang nasa biyahe, may mga sandaling humahawak ito sa kanyang kamay kapag kailangan nilang huminto sa mga stoplight. May pagkakataon pa na hinalikan nito ang likod ng kanyang kamay. Hanggang sa makarating sila sa bahay ay wala kahit isa sa kanila ang nagsasalita tungkol sa nangyari. Nang makababa si Kira mula sa motor at iabot ang helmet dito. Napako ang mga mata nila sa isa't isa. Nang ngumiti si Kian, doon na niya nagawang ngumiti. "Okay ka lang?" tanong nito. Isang marahan tango ang sinagot ng dalaga pagkatapos ay bahagya nitong kinurot ang kanyang pisngi. "Sige na, pasok ka na sa loob." "Okay."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD