MALAPIT nang mag-alas-siyete ng gabi. Madilim na sa paligid at si Kira na lamang ang natitirang estudyante doon sa school. Naroon siya sa motor ni Kian at naghihintay. Dapat sana ay sasamahan siya ni Uno na maghintay hanggang sa makabalik si Kian ngunit nakatanggap ito ng tawag mula sa kapatid at kinailangan nitong umuwi. Naiiyak na si Kira sa pag-aalala. Kanina pa niya sinusubukan tawagan o i-text si Kian ngunit hindi ito sumasagot.
"Aba, ineng. Napansin ko kanina ka pa naghihintay riyan. Madilim na, umuwi ka na at delikado na dito. Hindi mo ba nababalitaan ang mga nangyayari dito sa gabi? Aba eh may mga madalas naho-hold up riyan. Wala nang tricycle na dumadaan dito kapag gabi. Umuwi ka na at baka mapaano ka pa, tiyak na nag-aalala na rin ang mga magulang mo," sabi sa kanya ng guard.
"Eh, iyon po kasing kaibigan ko hinihintay ko. Ang sabi n'ya dito la—"
"Naku huwag mo nang hintayin 'yon, umuwi ka na."
Napalingon siya sa motor. "Si-Sige po."
"Mag-iingat ka ha?"
Habang naglalakad ay muli na naman bumagsak ang luha ni Kira. Hindi siya maaaring magkamali. Tiyak na nakalimutan siya ni Kian. Labis na sumama ang loob ni Kira sa binata. Una, nagsinungaling ito. Pangalawa, nakalimutan nito na naroon siya at naghihintay. Bigla ay naisip niya na marahil ay ganoon nito kagusto si Andrea para tuluyan siyang makalimutan nito.
Mula pa pagkabata ay magkaibigan na sila. Magkasama sa lahat ng bagay. Kung ano ang mayroon ang isa ay mayroon din dapat ang isa. Nag-aaway man ngunit sa bandang huli ay nagkakasundo rin. Hindi akalain ni Kira na ang darating ang araw na isang babae ang magiging dahilan para makalimutan ni Kian lahat ng pinagsamahan nila. And then she thought, is it really love that she's feeling? O baka naman kaya ganoon ang nararamdaman niya ay dahil sanay lang silang dalawa ni Kian na magkasama mula pa pagkabata? Kasabay niyon ay na-realize ni Kira kung gaano kasakit mahalin si Kian. Natatakot siya. Paano kung hinarap niya ang nararamdaman? Ngunit sa huli ay hindi naman sila, mawawala sa kanyang buhay ang binata. Parang mas hindi niya makakaya ang ganoon. She rather stays with him and be his best friend than lose totally lose him forever.
Habang naglalakad ay panay ang lingon ni Kira sa likod. Madilim na sa dinadaanan niya. Wala nang dumadaan kahit na anong sasakyan. Marami na silang naririnig na kuwento sa lugar na iyon. Sa paligid ng kanilang school nila ay isang malawak at bakanteng lupa na puno ng matataas na talahib. Madalas nilang nababalitaan na may mga naho-hold up roon at iba pang klase ng krimen. Iyon ang dahilan kaya hindi siya pinapayagan umuwi ng mag-isa lalo na sa gabi. Malakas ang kabog ng kanyang dibdib sa bawat hakbang. Nakaramdam na si Kira ng takot para sa sariling kaligtasan.
Mayamaya ay napahinto siya nang biglang may umilaw mula sa kanyang likod. Nabuhayan siya ng loob sa pag-aakala na si Kian iyon. Nang lumingon ay biglang tinutok sa kanya ng isang tao ang ilaw. Agad niyang tinakpan ang mukha matapos masilaw doon.
"Kira?"
Napakunot-noo siya nang marinig ang pamilyar na boses.
"Rey?"
Tumakbo ito palapit sa kanya. Nakumpirma lang niya ang hinala nang tuluyan itong makalapit.
"Anong ginagawa mo dito? Pauwi ka pa lang?!" gulat na tanong nito.
"Oo eh."
"Nasaan na si Kian? 'Di ba palagi kayong sabay umuwi?"
Umiwas siya ng tingin. "E-Ewan ko," tanging sagot niya.
"Delikado na dito ah. Halika, hatid na kita, may sakayan na ng tricycle pagdating doon sa dulo," sabi pa nito.
"Thank you, ha?" sabi pa niya.
Kinuha nito ang bag niya binitbit iyon pagkatapos ay sabay silang naglakad dala ang flashlight nito. Nabawasan kahit paano ang takot ni Kira ngayon may kasama na siya. Ngunit sa kabila noon ay hindi mapanatag ang kalooban niya. Bigla ay naalala ni Kira ang bilin ni Kian na huwag magtitiwala kay Rey.
Bigla siyang napalingon sa lalaki nang maramdaman na humawak ito sa kanyang beywang. Pasimpleng nilayo ni Kira ang sarili mula dito, doon pa lang inalis nito ang kamay. Nang lumingon si Kira ay ngumiti lang sa kanya ang lalaki. Matapos iyon ay nararamdaman niya ang kamay nito na sadyang dinidikit sa kamay niya. Muli ay pasimple siyang lalayo. Hanggang sa lumipas ang ilang sandali, malayo na ang nalalakad nila ngunit hindi pa rin matanaw ng dalaga kung saan ang sakayan na sinasabi nito.
"Rey, saan ba dito 'yong sinasabi mong sakayan?" tanong niya.
Nagulat si Kira nang bigla nitong hablutin ang kamay niya at hawakan iyon ng mahigpit. Agad umahon ang takot sa kanyang dibdib nang lumingon sa lalaki.
"Halika, usap lang tayo doon sa likod ng puno."
Sinubukan bawiin ni Kira ang kamay ngunit hindi siya umubra sa lakas nito. Sa halip ay mas lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa kanya.
"Hindi na Rey, bukas na lang! Hinahanap na ako sa amin eh!" tanggi niya habang pilit na binabawi ang kamay.
"Ngayon na tayo mag-usap, Kira! Bukas eepal na naman ang g*gong Kian na 'yon eh! Sige na!"
"Ayoko nga sumama sa'yo eh!" sigaw niya.
Binitiwan nito ang bag niya sabay sapilitan siyang hinila papunta sa likod ng isang malaking puno.
"Huwag kang madamot, Kira! Sinabi nang gusto lang kita makausap eh!" galit na sigaw nito.
"PAGKATAPOS n'yan, eto naman ang gamitin mong formula," sabi ni Kian kay Andrea habang tinuturuan ito sa math problem.
"Ah ganoon lang pala 'yon," sabi pa nito sabay tingin sa kanya. "Bakit ngayon ikaw ang nagturo mas naintindihan ko? Kapag si Sir, wala akong maintindihan."
Hindi na nakasagot si Kian nang tumingin siya sa bag na nasa paanan at mapansin na umiilaw ang phone niya. Mabilis niya iyong kinuha. Napakunot noo siya nang makitang tumatawag ang Mommy ni Kira.
"Hello, Mame?" bungad niya.
"Kian, magkasama pa ba kayo ni Kira? Aba'y pasado alas-siyete na at wala pa hanggang ngayon. Nag-aalala na ako, malapit nang umuwi ang daddy niya at tiyak na magagalit iyon kapag naabutan siyang wala pa dito."
Biglang nanlaki ang mata ni Kian sabay lingon sa labas ng coffee shop. Madilim na sa labas at hindi niya napansin iyon. Nahigpitan niya ang pagkakahawak sa phone.
"Ah, Mame... sige po, hahanapin ko si Kira. Hindi po kasi kami magkasama, nag-tutor ako pagkatapos ng klase," sagot niya.
"Ganoon ba? Kian, pakihanap naman si Kira. Nag-aalala na ako eh."
"Sige po."
Nang maputol ang tawag ay nahampas niya ang mesa sa galit sa sarili.
"F*ck!" he exclaimed.
"Kian, bakit?" gulat na tanong ni Andrea.
Hindi niya pinansin ang babae. Dali niyang kinuha ang gamit sabay takbo palabas ng coffee shop. Nang lumingon sa paligid.
"Sh*t! Kira!" naiiyak na bulalas niya.
Mabilis na tumakbo si Kian pabalik ng school. Nang makarating doon ay wala na si Kira. Madilim na loob ng campus at sarado na rin ang gate. Nang makita ang security guard ay nagmamadali siyang lumapit.
"Manong, may nakita po ba kayong babaeng estudyante na nandito kanina? Mas maliit po siya sa akin, mahaba ang buhok, maganda, saka—"
"Ikaw siguro iyong hinihintay niya kanina. Aba eh, umalis na, pinauwi ko na't madilim na at delikado na dito."
Gustong sapakin ni Kian ang sarili sa mga sandaling iyon. Paulit-ulit niyang minumura ang sarili. Mabilis siyang tumakbo palapit sa motor at agad na pinaandar iyon nang hindi man lang nagsusuot ng helmet. Wala na siyang pakialam sa sariling kaligtasan dahil ang mas mahalaga ay matagpuan si Kira sa mga sandaling iyon.
"Kira, nasaan ka na? Ano ba 'tong ginawa ko?! F*ck, I'm so sorry. I'm sorry!" naiiyak na sabi niya.
"Kira!" malakas na sigaw niya.
Sa pagmamaneho ni Kian, bigla siyang napahinto matapos matamaan ng ilaw mula sa headlight ng motor ang isang pamilyar na bag. Agad siyang bumaba at dinampot iyon. Ganoon na lamang ang takot na naramdaman niya nang makilala ang nagmamay-ari ng bag na iyon.
"Kira! Kira!" mabilis niyang sigaw.
Tumakbo si Kian sa paligid. Ngunit kahit anino ng dalaga ay hindi niya mahanap.
"Kira! Answer me! Nasaan ka?! Kira!"
Halos masabunutan ni Kian ang sarili sa labis na pag-aalala habang hawak ang bag ni Kira. Hindi niya mapapatawad ang sarili kapag may nangyaring masama sa dalaga.
"Kira!" tawag niyang muli sa dalaga saka tumakbo sa paligid.
"Tulong! Tulungan n'yo ko! Kian!"
Hanggang sa mapahinto siya nang may marinig na umiiyak mula sa kung saan.
"Kira?" bulong niya saka natigilan.
"Kian!" narinig niyang sabi ng boses ng babae habang umiiyak.
Nagmadali siyang tumakbo at hinanap ang pinanggagalingan ng tinig na iyon.
"Kira! Nasaan ka?! Nandito na ako!"
Bigla siyang napalingon nang mula sa likod ng puno ay lumabas ang isang babae. Paika-ika maglakad, mayamaya ay natumba ito at halos gumapang palapit sa kanya. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makilala si Kira.
"Oh my god, Kira!" tangi niyang nasabi at agad na tumakbo palapit.
Natulala si Kian nang makita ang itsura ng dalaga. Magulo ang buhok nito, hilam sa luha ang mga mata, nakataas ang palda, punit ang ang blouse nito at kita ang bra na suot ni Kira sa loob at halos wala na ang mga butones doon. May mga pasa at dugo ito sa mukha. Nag-unahan sa pagbagsak ang mga luha ni Kian at hinawakan sa magkabilang gilid ng mukha nito.
"Anong nangyari sa'yo? Sino ang may gawa sa'yo nito?!" nanginginig sa galit na tanong niya.
Hindi na makasagot si Kira. Tulala. In total state of shock. Sa halip ay nakatingin lang ito sa kanya habang yakap ang sarili at walang tigil sa kakaiyak. Ang buong katawan nito ay namumutla, naninginginig at nanlalamig sa takot. Kinabig ni Kian ang dalaga palapit at niyakap ng mahigpit.
"I'm sorry. I'm so sorry. I'm sorry," tangi niyang nasabi habang yakap ng mahigpit si Kira.
HUMAHANGOS na dumating ang parents ni Kira maging ang kanyang mga magulang doon sa ospital. Mabilis na lumapit sa kanya ang ina ng dalaga at agad na nilapitan si Kian. Mula sa lugar kung saan nakita ang dalaga ay dinala niya agad ito sa ospital matapos hindi makausap ng maayos dahil sa sobrang takot at shock.
Pilit na tinatanggi ni Kian ang hinala niya sa kanyang isipan. Dahil kapag totoo ang hula, habang buhay niyang sisisihin ang sarili sa nangyaring iyon kay Kira.
"Nasaan si Kira? Nasaan ang anak ko?" umiiyak na tanong ni Karina.
Hindi magawang tingnan ng deretso ni Kian sa mata ang kaharap.
"Nasa loob po," lumuluha na sagot ni Kian.
Nagmamadaling pumasok ang mga ito sa loob ng silid. Mula doon ay narinig ni Kian ang malakas na iyak ng ina ni Kira. Hindi na napigilan ni Kian ang sarili at napahagulgol na rin sa labas. Sinandal niya ang noo sa pader habang mariin nakatikom ang mga kamao.
He hates himself. He has always been so attentive to her. Kahit kailan ay hindi niya inaalis ang tingin kay Kira. Mula noon ay nangako na siya na aalagaan ito. But he failed to do that. He failed to protect her just because of jealousy, just because he wants to give way to his friend. Nagsinungaling siya sa dalaga at sinadya niya na iparamdam dito buong araw na pambabale-wala dito. What's worst? Nakalimutan niya na naghihintay ito sa kanya. It was his fault. It was all his fault.
Sumigaw si Kian dahil sa magkahalong frustration at galit. Galit sa gumawa ng kahayupan na iyon kay Kira at galit sa kanyang sarili. Sunod-sunod niyang na sinuntok ang pader. Mayamaya ay humahangos na lumabas ang mga magulang niya maging ang ama ni Kira. Agad siyang inawat ng Daddy niya at ni Kira. Umiiyak na humarap siya ama ng dalaga.
"I'm sorry, Dade. I failed you. Napabayaan ko si Kira," umiiyak na sabi niya.
Umiiling na malungkot itong ngumiti saka siya hinawakan sa batok at tinapik doon.
"Ano bang sinasabi mo riyan?" emosyonal na sagot nito sabay kabig sa kanya palapit at niyakap ng mahigpit.
Sa mga bisig nito ay binuhos ng Kian ang samu't saring emosyon na kanyang nararamdaman.
"Sorry po, sorry po," patuloy niya habang umiiyak.