"ANAK, kailangan ba talagang umabot sa ganito?" umiiyak na tanong ni Karina sa anak. "My, ito lang ang nakikita kong paraan para matulungan sila Mommy Amy at Daddy Jo. Kaya lumalaban si Kian ay dahil nandito ako. Habang narito ako maninindigan si Kian na huwag magpakasal kay Tracie. And if that happens, his parents will suffer more. Mommy, Daddy, kailangan may gawin ako." "Pero masasaktan si Kian sa gagawin mo anak," garalgal ang boses ng ama. "Ayokong magkasira kayo, malalim masyado ang pinagsamahan ninyo." Napahagulgol si Kira at natakpan ang mukha. "Nasasaktan din ako Dad, ayoko nitong gagawin ko pero kailangan." "Anak, paano ka sa Singapore? Paano kapag na-trigger ang trauma mo? Paano kapag nagkasakit ka? Paano kung..." "Mommy, don't worry, kaya ko ang sarili ko. Saka may kaibiga

