AFTER three years, finally back home." Sunod-sunod na tumunog ang notifications sa phone ni Kian. Naroon siya sa Laguna sa mga sandaling iyon. He's been staying there for few weeks now after filing a vacation leave from the hospital. "Syet nakita n'yo ba 'yon?" tanong ni Sean. "Ano 'yon multo?" tanong din ni Dane. "Anong nangyari?" tanong naman ni Sami. "F*ck, biglang nabuhay ang account ni Kira. Nag-post siya!" sabi naman ni Han. Humigpit ang hawak ni Kian sa phone nang mabasa ang pangalan ng dalaga. Ang pangalan na mula nang iwan siya ay hindi na kailan man lumabas sa kanyang bibig. "@Chloe_sexy @jin_ho did you know anything about this?" tanong naman ni Josh. "Wala akong alam diyan ah, wala akong nasagap na chismis sa mga marites sa office," sagot ni Hojin. "Babe?" "Wala rin ak

