Chapter 49

2240 Words

"MOMMY? Dito mo ako kinuha ng unit?" gulat na tanong ni Kira matapos iparada ng ina ang kotse sa isang pamilyar na parking ng isang condominium building. "Oo. Sabi mo iyong malapit sa opisina mo. Eh ito lang 'yong may bakante, sabi ko naman sa'yo noon tingnan mo 'yong unit kahit sa picture. Ikaw itong maysabi na ako na bahala eh." "Pero Mommy..." "Oh ano? Dahil nariyan si Kian?! Aba mabuti nga nang masabi mo na ang totoo tungkol sa anak n'ya!" "Ma!" "Wala ka nang magagawa, anak. Naibayad ko na 'yong pinadala mong pera at may mga gamit na rin kayo diyan." Muling tumingala sa gusali si Kira. Ang condominium building kung saan siya kinuha ng Mommy niya ng unit para sa kanila ni Kianna ay doon sa dating condo nila ni Kian. "Anong unit kami?" "Unit two-zero-two-three." "My gosh, Mommy!

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD