Chapter 50

3067 Words

ALA-UNA ng madaling araw nang magising si Kira sa malakas na iyak ni Kianna. Sinubukan na patahanin ang anak pero patuloy pa rin ito sa pag-iyak. Kaya naman umahon na ang kanyang pag-aalala. Mula sa kuwarto ay lumabas sila sa sala. Binuksan ang mga ilaw maging ang aircon. Sinubukan ni Kira na bigyan ito ng laruan o kaya ay ang paborito nitong snacks pero umiiling ito at nilalayo ang mga iyon. "Anak, what's wrong? Hindi na alam ni Mommy kung anong gusto mo," nag-aalalang sabi pa ni Kira habang karga ito at pinaghehele. Ngunit wala rin epekto iyon. Sa halip ay umiiyak pa rin ito. Mayamaya ay tinuro nito ang pinto. Ang inaalala niya ay baka may nararamdaman na ito sa katawan ngunit hindi lang masabi. "Kianna, tell me Mommy what's wrong? Do you have bubu?" tanong pa niya. "Daddy!" palahaw

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD