"LOVE, gusto mo pa?" tanong ni Kira. Naghintay siya ng sagot ni Kian ngunit nagtaka siya nang makitang nakatitig lang ito sa phone. Nang mga sandaling iyon ay katatapos lang nilang kumain ng gabihan. "Love?" tawag niya ulit. Lalo siyang nagtaka nang hindi na naman ito kumibo. "Hoy Kian Anthony!" biglang tawag niya dito na malakas ang boses. Halos mapatalon sa gulat ito kaya natawa siya ng malakas. "Ano ba? Ba't nanggugulat ka?" "Kanina pa kita tinatawag hindi ka sumasagot at tulala ka, ano bang mayroon diyan sa phone mo at nakatitig ka riyan?" "W-Wala. Wala naman," sagot nito. "Okay ka lang ba?" mayamaya ay seryoso nang tanong niya. "Yes, I'm good," nakangiting sagot ulit ni Kian. Huminga ng malalim si Kira. "Love, kung may problema ka, alam mo na puwede mong sabihin sa akin ang

