"BYE, Ma'am Beth!" paalam ni Kira sa Supervisor. "Bye, ingat kayong dalawa." Sabay silang kumaway ni Seb saka lumabas ng office. Pagdating sa elevator ay nadatnan nila na maraming nag-aabang doon. Habang naghihintay ay nakatanggap siya ng text mula kay Kian. "Love, dito na ako sa parking," sabi nito. "Pababa na ako, love. Dami lang tao sa elevator," sagot nito. "Bilisan mo miss na kita." "Me too," sagot ulit ni Kira na may sad emoji pa. Matapos ang saglit na palitan ng text ng nobyo ay nag-open siya ng social media account. Mahinang natawa si Kira nang makita ang mga posts ng mga kaibigan. "You have socials?" narinig niyang tanong ni Seb. "Hmm? Oo naman," sagot niya. "Can I follow you?" tanong nito. "Sure." Pinakita niya rito ang kanyang username. Mayamaya ay nakatanggap siya n

