THE client is from a huge and famous cola brand. They are introducing a new flavor plus packaging to the public. The company wanted an advertisement where they could present a tight friendship and bond to the audience. Nang makalabas sila ng conference room mas lalong bumigat ang nararamdaman na pressure ni Kira. "Hey, are you okay?" tanong ni Seb. "Ha?" maang na tanong din niya sabay lingon dito. "Tulala ka," natatawang sagot nito. Natawa na rin si Kira saka pumikit at marahan pinilig ang ulo. "Naramdaman mo ba 'yong pressure? Nakakaloka si Ma'am Olive, ang taas agad ng expectation." "Because they trust you. Alam ni Tita ang kakayahan mo kaya ganoon na lang ang tiwala nila." "Huy, anong you? Magkasama tayo sa project na 'to, ano ka?" Tumawa si Seb. "Oo nga sinabi ko bang ikaw lang.

