WAKAS K I M Sobrang init ng pisngi ko habang abala si Ethan sa paglalagay ng pagkain sa pinggan ko. Lahat ng mata ng mga kasama namin ay nakatuon na sa aming dalawa, pero tila wala man lang pakialam si Ethan doon, o hindi man lang niya nahahalata iyon. Sanay na ako na ganito ang kilos ni Ethan sa akin pero hindi pa din ako sanay na nakikita kami ng mga kaibigan namin na ganito, tahimik at nagkakasundo. Malayo sa madalas nilang makita sa amin noon na palaging nag-aaway at nagbabangayan. Pero hindi ko naman sila masisisi kung mamangha sila sa nakikita nilang malaking pagbabago sa aming dalawa ni Ethan, dahil kahit ako, hanggang ngayon namamangha pa din sa isiping akin na ang lalaking ito. Ang lalaking dati ay palihim ko lang na pinapangarap, magiging asawa ko na ngayon. At malapit na din
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


