Kabanata 60 K I M Mahal din ako ni Ethan. Ibig sabihin mula pa man noon hindi na one sided itong nararamdaman ko, dahil mahal din pala niya ako. Ipinilig ko ang ulo ko, hindi pa lubos na pumapasok sa isipan ko ang mga sinabi niya. Ang hirap para sa aking paniwalaan ang lahat. Ilang taon kong itinago ang nararamdaman ko sa kanya tapos ganito, malalaman kong mahal niya din pala ako? Parang bigla akong nanlumo. Nanghina at nanginig ang mga tuhod ko, bago pa ako tuluyang mabuwal sa kinatatayuan ko ay nahawakan na ako ni Ethan sa baywang. Muli kong naramdaman ang init na nanggagaling sa kanyang katawan. Nagpaubaya ako nang tuluyan niya akong yakapin. Mahigpit ang naging yakap niya sa akin, tila takot na muli akong makawala sa kanya. Humilig ako sa kanyang dibdib. Mas lalong humigpit ang kany

