Kabanata 59 K I M “B-Bakit ka nandito?” Nanginig ang boses ko sa kaba. Gumalaw ang kanyang panga at ang kanyang mga labi ay tumikom na para bang mas lalo siyang nairita sa tanong na lumabas sa labi ko. “Why are you here?” may diin niyang balik sa akin. Napakagat labi ako at muling humakbang ng isang beses palayo sa kanya. Kumunot ang noo niya at mabilis akong hinila palapit sa kanya. Napasinghap ako ng sumubsob ako sa dibdib niya. Mabilis na pumalupot ang mga bisig niya sa akin kaya kahit anong pilit kong kumawala sa kanya at lumayo ay hindi ko magawa. “Do you seriously think you could get away from me?” Puno ng hinanakit ang kanyang boses nang sabihin iyon. Para bang nagbabanta siya ngunit pilit na lumalabas ang pait sa kanyang tinig. Mariing kinagat ko ang labi ko. Mas bumilis at lu

