Kabanata 49 K I M Tumitig ako sa mga mata niya habang hinahabol ang aking hininga. Nakatitig siya sa kisame habang nakapalupot ang mga bisig sa aking baywang. Nasa kanyang kandungan pa din niya ako. Ang parehong kamay ko’y namamahinga sa kanyang balikat. Mariing pumikit ang mga mata niya. Suminghap ako at nanghihinang isinubsob na lamang ang aking mukha sa kanyang balikat. Ipinaubaya ko ang buong bigat ko sa kanya. Humigpit ang yakap niya sa akin. Hinagod ng isa niyang kamay ang likod ko habang nagpapahinga ako sa kanyang balikat. Pareho kaming tahimik. Ang paghinga lang naming dalawa ang tanging maririnig sa buong kwarto. “Why aren’t you replying to my messages?” Malumanay ang boses niya nang itanong iyon. Pumikit ako at nag-isip ng pupwedeng isagot sa kanya. “I’m sorry. Hindi lang a

