Kabanata 50 K I M Nasa tapat na ako ng front door nang bigla naman akong makaramdam ng pagkahilo. Huminto ako sandali para pumikit. Umiikot ang paningin ko hanggang sa unti-unti itong nagdidilim. Bago pa man ako bumagsak sa sahig ay may mainit na mga palad ang humapit sa baywang ko. Napakapit ako ng mahigpit kay Ethan. “Are you okay?” Hindi ako nakasagot dahil sa labis na pagkahilo. Naramdaman ko na lang na binubuhat na ako ni Ethan. Hanggang sa tuluyan na akong mawalan ng malay. Nang magmulat ako ay ang seryosong mukha agad ni Ethan ang bumungad sa akin. Iginala ko ang paningin ko sa paligid. Isang pasada lang sa paligid ko ay alam ko na agad kung nasaan ako. Ibinalik ko ang tingin ko kay Ethan. Seryoso pa din siyang nakatitig sa akin, hindi man lang siya nagreak nang makita akong

