Kabanata 47 K I M Maaga kaming gumising para maihatid niya ako sa condo ko. Doon na kami nag-almusal bago niya naman ako ihatid sa office. Naiwan ko kasi ang sasakyan ko doon, kaya wala akong magamit. Okay lang naman sa akin mag-commute na lang pero nag-offer siya na ihahatid na lang ako, at wala naman akong nakikitang dahilan para tanggihan ko siya sa alok niyang iyon. Akala ko matagal pa bago ulit kami magkita pero laking gulat ko nang maabutan ko siyang muli sa basement, naghihintay sa akin. Umirap ako habang lumalapit sa pwesto niya. Ano nanaman kaya ang kailangan ng lalaking ito sa akin? “Huwag mong sabihing hindi ka pa nakontento sa ginawa natin last night? Gusto mo nanaman?” nakakunot ang noong tanong ko. Humalakhak siya at napakamot sa kanyang batok. Tinaasan ko siya ng kilay.

