Kabanata 46 K I M “What about her?” “You didn't bother me anymore. So I assume you like that woman,” tuloy-tuloy na sabi ko bago nagpunas ng tissue, indikasyon ng pagtatapos kong kumain. Tumaas ang dalawang kilay niya. “Why? Did you miss me?” Pilyo siyang ngumiti. Hindi ko inasahan iyon kaya napailing na lang ako. Uminit ang pisngi ko. Alam kong nang-aasar lang siya, pero kasi totoo naman iyon. Na-miss ko naman talaga siya. “Ako, na-miss kita,” aniya habang diretsong nakatingin sa mga mata ko. Inirapan ko siya, kahit para nang tambol ang puso ko sa lakas ng t***k nito sa mga pinagsasabi niya. “Oh, come on, Ethan! Alam nating pareho kung ano lang ang na-miss mo sa akin,” ngumisi ako habang umiiling. Tumaas ang dalawang kilay niya at tinignan ako nang may pagtataka. Sa huli ay bumaba

