Kabanata 43 E T H A N Tanga. Gago. Hindi ko maiwasang magalit sa sarili. Nag-aaksaya ka pa kasi ng oras sa babaeng ‘yon, hindi naman ikaw ang gusto. Gusto kong sumabog sa galit. Kung hindi pa ako agad umalis doon kanina ay baka may nagawa nanaman akong ikakagalit ng babaeng iyon. Lagi naman talaga ako ang masama pagdating sa kanya. Wala na akong ginawang tama sa mga mata niya, pero langya siya pa din ang gusto ko. Tanga! Mababaliw ka na lang doon pa sa babaeng ‘yon. Nagpakatanga din ako kay Kristine pero isang beses lang ‘yon. Pero ang babaeng ‘yon, may balak yata akong gawing tanga habang buhay. Hindi ko alam kung bakit nagustuhan ko ‘yon, ang dami-dami namang babae d’yan. Hindi ako naniniwala sa mga kulam na ‘yan, pero langya bakit ako minamalas ng ganito? Sinumpa yata ako ng babaeng

