Kabanata 42 E T H A N “Babae ba ‘yan?” tanong ni Kuya nang naabutan niya akong nakatanaw sa malayo at may malalim na iniisip. Pinilig ko ang ulo ko sa direksyon niya. Nakangiti siya habang papalapit sa pwesto ko. Umiling-iling ako bilang pagtutol sa sinabi niya, kahit na tama naman talaga siya. Hindi ko lang talaga iyon kayang aminin sa kanya o sa kahit na sino pa. Kahit nga sa sarili ko hindi ko magawang maamin ang totoong nararamdaman. Damn! Sa dami-dami ng babae sa mundo bakit ba sa kanya pa ako nakaramdam ng ganito. Para akong kinikilabutan kapag naiisip ko kung ano ba talaga ang nararamdaman ko sa babaeng iyon. Hindi ganoon ang tipo kong babae, pero hindi ko maintindihan kung bakit palagi akong apektado kapag nagagalit siya sa akin. O kahit kapag tinitignan niya lang ako ng masam

