Kabanata 57 K I M Nang bumalik ako sa condo ko, hindi ko inasahang maabutan ko si Ethan doon. Akala ko hindi na siya muna uuwi sa akin pagkatapos ng nangyari kahapon pero nagkamali ako dahil narito siya ulit ngayon. Nakatingin siya sa malayo at mukhang may malalim na iniisip habang nakaupo sa couch. Agad siyang napalingon sa direksyon ko nang unti-unti akong maglakad palapit sa kanya. Malamig ang ekspresyong ibinibigay niya sa akin at naiintindihan ko kung bakit ganoon. Sa tingin niya pa lang ngayon alam ko na agad na galit pa din siya dahil sa nangyari kanina. Hindi ko siya masisisi. Pumayag na akong pakasal sa kanya tapos bigla kong babawiin. Kung kailan nasabi na pala niya sa mga kaibigan niya ang tungkol sa kasal namin. O baka kay Zachary niya lang sinabi. I don't know. Hindi na d

