Chapter 29 "Sigurado ka bang kaya mo na?" Tanong ni Nathan. Kasabay ko siyang pumasok ngayon sa school kasi pinagutusan siya nila Mama na sabayan ako lagi tuwing umaga kasi baka daw may mangyari sakin. "Oo nga. Ang kulit mo." Sabi ko sa kanya. "Okay fine!" Dumeretso kami sa classroom naming at pagpasok na pagpasok ko palang ay lahat sila nakatingin na sakin. "Uy, si Athena pumasok na oh." Sabi ng isang babae. "Ang tagal niyang nawala." Sagot naman nung isa. Matagal na ba yung one week? Parang hindi naman. Umupo na ako sa upuan ko at nagpaalam na si Nathan na umalis kasi hindi naman kami parehas ng klase ngayon. Maya maya ay dumating na si Phanes. Nagulat ako kasi bigla siyang lumapit sakin at naglapag ng isang notebook sa desk ko. "Ano to?" Tanong ko. "Notes. Matagal kang nawala s

