Chapter 30 Athena's POV "Athena!" Nagulat naman ako nang biglang mag-clap si Nyx sa harap ng mukha ko. "Bakit ka ba nangugulat?" Tanong ko sa kanya. "Kanina ka pa tulala! Nandito na tayo!" Sabi niya. Tumingin ako sa paligid ko at oo nga, nandito na nga kami sa resort nila Lyssa. Iniisip ko parin kasi yung nangyari kahapon. Yung narinig ni Siren yung pinagusapan naming ni Eros, Hindi naman naging weird si Phanes sa harap ko kaya siguro hindi sinabi ni Siren. Pero syempre bakit naman niya sasabihin? Natatakot rin siguro siya sa magiging reaksyon ni Phanes kapag nalaman niya ang lahat. "Tara na." Sabi ni Nathan at dinala niya yung malaki kong bag. Naglakad na kami papasok. May mga nagbago dito sa resort. Siguro mas dumami yung tao. Tapos mas maraming maliliit na bahay. Nagkaroon din n

