Chapter 16 Kumakain kami ngayon ng lunch sa usual table namin sa cafeteria. Cheeseburger lang ang kinakain ko ngayon since nabusog naman ako kanina sa kinain ko nung recess. "Athena, ketchup." Sabi niya habang tinuturo yung gilid ng bibig niya. Hinawakan ko rin yung gilid ng bibig ko para punasan yung ketchup. Pero parang wala naman akong napupunasan? "Ako na nga." Sabini Phanes at pinunasan na niya yung gilid ng bibig ko gamit ang mga kamay niya. Namula naman ako. "T-thank you." "Hmm." Rinig kong sabi ni Nyx. Napatingin naman kaming dalawa kila Nyx, Hades, Eros at Lyssa na ngayon ay nakatitig lang samin. Parang gulat na gulat silang lahat sa mga inaakto naming ni Phanes. "Anong meron sa inyong dalawa?" Tanong ni Hades habang nakangisi. "Bakit parang bigla kayong naging super clos

