Chapter 17 "Athena, meron kaming sasabihin sayo." Sabi ni Mama at lumapit siya sakin tsaka hinawakan ang shoulders ko. Tumango nalang ako at sumunod sa kanyang lumapit kay Dad. I don't feel so good about this conversation. "Ano po yun?" Tanong ko. Sana ang nasa isip kong sasabihin nila ay hindi 'yon. Wag naman sana dahil okay na kami ni Phanes, masaya na kami. "About the proposal." Deretsong sabi ni Dad. "I also have something to say about that matter." Sabi ko. "Really? Let's hear it after then." Sabi ni Dad. "But first.." Parang pinipigilan parin niya yung gusto niyang sabihin. "The company's on the rocks, Athena." Sabi ni Mama at bigla na siyang naiyak. "We need you, Athena. And your proposal to save the company." Sabi ni Dad na halata kong naaawa sakin. What? "Sorry, sabi nam

